NAGBABALA si Presidential Spokesman Harry Roque na magkakasya sa iisang jeep ang mga miyembro ng PDP-Laban kapag pinatalsik sa partido si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo sa assembly na inorganisa ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa 17 Hulyo, Sabado.
“Uulitin ko po, isang jeepney lang po ang membership ng PDP-Laban bago sumali riyan si Presidente Duterte. Kung aalisin n’yo po si Presidente sa PDP-Laban, balik kayo sa isang jeep,” sabi ni Roque sa Malacañang virtual press briefing kahapon.
Matatandaan, sumapi si Duterte sa PDP-Laban noong 2015 para makalahok sa 2016 presidential elections at nang magwagi ay dinagsa ng mga bagong miyembro ang Partido.
Kabilang sa mga nagtatag ng PDP-Laban ay sina dating Sen. Aquilino Pimentel, Jr., at dating Vice President Jejomar Binay.
Nanawagan kamakalawa si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, sa kanyang mga kapartido na tablahin ang ipinatawag na assembly sa 17 Hulyo ni Cusi.
Tinanggal kamakailan si Cusi sa Partido dahil sa paglabag sa mga patakaran bunsod ng pagsuporta sa 2022 presidential bid ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte, chairman ng partido, sa assembly bilang pagkilala sa liderato ni Cusi, vice chairman ng PDP-Laban.
“If PDP-Laban really wants to ignore the President, so be it. Kung nais nilang umalis ang Presidente riyan, nasa kanila ang desisyon. So we will see what will happen,” ani Roque.
Kapag nagpasya umano si Duterte na kumandidato sa pagka-bise-presidente, hindi naman niya kailangan maging kasapi ng PDP-Laban.
“‘Pag nagdesisyon ang presidente tumakbong bise presidente kahit anong partido pa, kahit walang partido, tatakbo po ‘yan ,”dagdag niya.
“Tingnan na lang po natin kung ano ang magiging desisyon ng karamihan ng PDP-Laban.
Matatandaang nagsimula ang bangayan sa PDP-Laban nang isulong ni Cusi ang resolusyon na humihimok kay Pangulong Duterte na maging vice presidential bet ng partido at binigyan siya ng kapangyarihang pumili ng kanyang tandem sa 2022 elections na inalmahan ni Senator Manny Pacquiao, presidente ng partido.
Target ni Pacquaio na maging standard bearer ng partido na suportado ng founding members nito. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …