Saturday , November 16 2024

NUJP kay Roque: “KALMA LANG” (Journo ‘wag gawing utusan)

ni ROSE NOVENARIO
 
INALMAHAN ng mga grupo ng mamamahayag ang paninira at panghihiya ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang journalist dahil nais kunin ang kanyang panig sa isyu ng Scarborough Shoal.
 
Sa television documentary na Our World ng British Broadcasting Corporation (BBC), iniulat na patuloy ang panghaharang ng Chinese vessels sa Scarborough Shoal para hindi makapangisda ang mga Pinoy kahit napatunayang bahagi ito ng exclusive economic zone ng Filipinas, limang taon makalipas ang arbitral ruling na pumabor sa bansa kontra sa China.
 
Sa virtual press briefing kahapon sa Palasyo, hinamon ni Roque si Virma Rivera, isang freelance journalist para sa BBC, na tawagan siya upang makuha ang panig ng mga lokal na opisyal na panauhin niya at masagot ang umano’y walang katotohanang report ng journalist.
 
Binasa ni Roque ang mobile phone number niya para tawagan siya ni Rivera habang nagpapatuloy ang press briefing gayong tinext lamang siya ng mamamahayag para makuha ang kanyang reaksiyon sa ulat ng BBC.
 
“09*********, give us a call. I will link you up with them para naman malinawan kung ano iyang report mo. Again, Virma, please call habang nandito pa iyong ating mga panauhin nang maisatuwid natin kung ano talaga ang mga pangyayari riyan,” sabi ni Roque.
 
“09*********, dahil tayo naman po ay naninindigan lamang sa katotohanan at pawang katotohanan lamang. Please call and we will link you up with the Mayor of Masinloc and with the Philippine Coast Guard. Virma, let us get to the truth as far as this matter is concerned,” dagdag niya.
 
Ayon sa sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), kahit malaya ang mga opisyal g gobyerno na pasubalian ang mga balita, lalo na’t panauhin ni Roque sa press briefing ang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at lokal na opisyal na nagsabing wala silang natanggap na harassment sa Pinoy fishermen ng Chinese Coast Guard, sana’y ginawa ito ng tagapagsalita ng Pangulo sa sibil na paraan.
 
“While government officials are free to disagree with and even try to debunk news reports, as Roque did by bringing out local government and coast guard officials to say there are no reports of Filipino fishers being harassed by the Chinese Coast Guard, it is hoped that this would be done in a civil manner expected of the office of the presidential spokesperson,” ayon sa kalatas ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).
 
“Virma Rivera, had simply texted Roque for comment on the interviews and footage her team acquired. This was no license for the presidential spokesperson to call her out and to order her on national TV to call town mayors or to denigrate her team’s output as mere gossip,” pahayag ng NUJP.
 
Pinaalalahanan ng NUJP si Roque na gawin ang hashtag na ilang buwan na niyang ginagamit sa kanyang social media accounts sa pag-asang mag-trending ito: #Kalmalang.
 
“Perhaps it is a good time to remind Roque of the hashtag he has been trying in vain for months to get trending: ‘#Kalmalang.’”
 
Para sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), lubhang nakababahala ang paraan ng pagsagot ni Roque sa simpleng paghingi ni Rivera sa kanyang komento.
 
Ang tono, anang FOCAP, ni Roque na pagbabalewala sa BBC report bilang panlilinlang at tsimis ay pagmamaliit at pangmamata na tila binahiran ng masamang motibo ang ulat ni Rivera.
 
“The tone of Sec. Roque dismissing the BBC report as deception and rumor was disparaging and condescending, as he sought to assign ill motive to the network’s report and singled out Ms Rivera for it,” sabi ng FOCAP sa isang kalatas.
 
Anang FOCAP, hindi ito ang unang pagkakataon na trinato ni Roque nang walang respeto ang mga mamamahayag, partikular ang mga babae.
 
“This was not the first time Sec. Roque had treated journalists, women in particular, with disrespect.”
 
Matatandaan sa isang panayam sa The Source, pinagalitan ni Roque ang host na si Pinky Webb dahil hindi niya nagustuhan ang pagtatanong sa kanya gayondin ang kanyang ginawa sa CNN reporter na si Trish Terada.
 
Giit ng FOCAP, kahit may karapatan si Roque na kontrahin ang mga alegasyon, wala sa katuwiran ang pagbintangan sina Rivera at BBC correspondent Howard Johnson na nais siraan ang pamahalaan.
 
“Sec. Roque has the right to counter allegations but there is no justification for insinuating Ms. Rivera and her team, which includes BBC correspondent Howard Johnson, are out to destroy the government,” sabi ng FOCAP.
 
Ginagawa nina Rivera at Johnson ang kanilang trabaho, iniulat ang nakita at iprenisinta ang istorya batay sa sinabi sa kanila.
 
“FOCAP members Ms. Rivera, Mr. Johnson, and the rest of the BBC were merely doing their jobs. They reported what they saw, and presented the story they were told,” ayon sa FOCAP.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *