Wednesday , December 25 2024

‘Di patas na int’l reports tungkol sa ‘Pinas

NASAPOL ng double whammy ang bansa natin noong nakaraang linggo.

Una, nabunyag sa isang pag-aaral ng World Bank (WB) na mahigit 80 porsiyento ng mga estudyanteng Filipino sa elementarya at high school ang nangangamote raw nang hindi man lang umabot sa minimum proficiency ng pagkatuto sa kanilang grade levels. Ikalawa, nangulelat ang Filipinas sa ranking ng Global Finance magazine ng 134 pinakaligtas na bansa sa mundo.

Sa simpleng paliwanag, sinabi ng multilateral financial institution na nasa Washington na walo sa 10 batang Filipino ang kapos ang nalalaman para sa kanilang edad, habang para sa publishing outfit sa New York, ang Filipinas ang pinakadelikadong bansa para tirahan.

Ilang araw makaraang kondenahin ng Departments of Education (DepEd) at Finance (DOF) ang report sa sektor ng edukasyon, humingi ng paumanhin ang WB sa ating gobyerno at tinanggal ang nabanggit na report sa website nito.

Respetado at suportado ng mga estadistika mula sa 2018 Program for International Student Assessment (PISA) at 2019 Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) na ginawa sa bansa para sa Grades 4 at 5 at edad 15, ayon sa pagkakasunod, dapat pinanindigan ng WB ang kanilang report kung ito ay wasto at pinal na.

Pero tatlong dambuhalang punto ang inilatag ni DepEd Secretary Leonor Briones. Una, luma na ang datos na pinagbatayan ng pag-aaral. Ikalawa, ang findings ay hindi ibinahagi sa DepEd para sa rejoinder. Ikatlo, bilang isa sa mga nagpopondo sa mga programang pang-edukasyon ng Filipinas simula 1981, hindi ba’t mistulang pinulaan ng WB ang sarili nito sa pagbubunyag sa kaawa-awa raw na kalagayan ng edukasyon sa bansa gayong may sarili itong ambag sa sitwasyon at nakikipagnegosasyon pa nga para sa panibagong $210-million loan para sa DepEd? At para saan? Upang patuloy na pondohan ang sinasabi nitong palpak na programang pang-edukasyon?

Tungkol naman kay Marc Getzoff ng Global Finance magazine na nasa likod ng report na tumukoy sa Filipinas bilang pinakamapanganib na lugar sa mundo, kuwestiyonable para sa akin ang kanyang integridad bilang mamamahayag.

Sinabi ni Getzoff na ang ranking niya sa Filipinas ay ibinatay sa tatlong bagay – digmaan at kapayapaan, personal na seguridad, at panganib sa mga kalamidad.

Kaagad pinabulaanan ni Gen. Guillermo Eleazar, PNP Chief, ang punto ni Getzoff tungkol sa personal na seguridad at kapayapaan at kaayusan sa bansa gamit ang aktuwal na mga datos. Ginagarantiya ko sa inyong walang pulis sa Filipinas ang haharangin ang isang tao dahil sa kulay ng kanyang balat at hindi sasaktan dahil lang sa hugis ng kanyang mata.

Hindi ko alam kung anong news packets mula sa Filipinas ang pinagbababasa ng mga New York journos na ito, pero may simpleng paraan para makompirma ang impormasyon na posibleng galing sa hindi mapagkakatiwalaang source. Alam ng bawat propesor sa Journalism ang trick na ito, kaya tandaan mo, Mr. Getzoff: “Kung gusto mong malaman kung umuulan sa labas, huwag mong tawagan ang weatherman… lumabas ka ng bahay at alamin kung umuulan nga!”

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

ni Robert B. Roque

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *