Saturday , November 16 2024

Duterte takot ‘magaya’ kay Robredo (Kapag nanalong VP)

ni ROSE NOVENARIO
 
“DO unto others as you would have them do unto you.”
Kabado si Pangulong Rodrigo Duterte sa Golden Rule na ito kapag pinalad na maging bise presidente sa 2022, kaya gusto niyang kakampi ang mananalong president.
 
Sa mahigit limang taon ng kanyang administrasyon, hindi niya binigyan ng papel si Vice President Leni Robredo dahil mula sa oposisyon.
 
Inamin ng Pangulo na isa sa mga kinatatakutan niya sa pagsabak sa vice presidential race ay maging inutil na bise-presidente dahil walang makukuhang suporta sa presidente na hindi niya kaibigan.
 
“If I run for vice president tapos ang presidenteng na-elect hindi ko kaibigan, the situation would arise na sabi ko, I would remain an inutile thing there. Kasi ‘pag wala kang ano sa president, suporta, wala ka talaga,” aniya sa pulong sa PDP-Laban party kahapon.
 
“Ito ang dilemma ko. The president that will win must be a friend of mine whom I can work with,” dagdag niya.
 
Giit ng Pangulo, seryosong pag-aaral ang ginagawa niya sa panukala ng kanyang mga kapartido na kumandidato siya sa pagka-bise-presidente.
 
“To the proposition that I run for vice president, medyo I’m sold [on] the idea. Meaning to say, I’m seriously thinking of running for vice president,” aniya.
 
Kapag nasungkit ang VP post, walang plano ang Pangulo na mangako ng pabahay sa publiko pero maghahanap siya ng paraan para maging produktibo.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *