Sunday , April 27 2025

Duterte, Go hoyo kay Trillanes (Sa P6.6-B iregularidad sa infra)

ni ROSE NOVENARIO
 
SIGURADO si dating Sen. Antonio Trillanes IV, hindi makalulusot sa kasong plunder ang ‘mag-among’ Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go.
 
“Mabigat ito, hindi nila mapipigil ito, documented ito, huli e. Bituka ito e, deetso ito sa bituka nilang dalawa. ‘Yung pagpapanggap nila na walang corruption at kung ano-anong drama nila, ito hindi nila malulusutan. Hindi ko bibitawan ito,” sabi ni Trillanes sa panayam ng HATAW kahapon.
 
Ayon kayTrillanes, manananawagan siya sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa P6.6-bilyong halaga ng 125 infrastructure projects na nakorner ng ama at half-brother ni Go.
“Motu proprio, kailangan na nilang (COA) maglabas ng Audit Observation Memo sa mga proyektong ito at magsagawa ng special audit. Nakita ko kasi ang mga contracts, talagang pinipinahan ang allotted budget,” ani Trillanes sa panayam ng HATAW.
 
Marami aniyang paglabag ang paggawad ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa CLTG Builders ni Desiderio Lim Go, ama ni Go at ng Alfrego Builders & Supply ni Alfredo Amero Go, half-brother ng senador.
 
Pareho aniyang may “B” license ang mga naturang kompanya na hindi pinapayagan sa batas na makasungkit ng malalaking proyekto ngunit lumusot bunsod ng joint venture agreements (JVAs) sa mga contractor na may mga “AAA” license.
 
Ang kabuuang P6.6-bilyong halaga ng mga proyektong nakopo ng ama at half-brother ni Go sa Davao City at Davao Region sa panahong alkalde ng siyudad si Pangulong Duterte at unang dalawang taon niya sa Malacañang.
 
“Lahat ng element ng plunder swak talaga kasi deretso sa tatay at kapatid. Pasok talaga ito kasi kung ano ang sinabi sa plunder law na huwag gawin, ginawa nila kaya huli talaga ito. Ni hindi na nga kailangan kumuha ng ebidensiya ng bank accounts na nakinabang sila kasi ibinigay na mismo ang kontrata sa kanila, sila mismo ang nag-benefit na family. You don’t need to find it out kasi pangalan nila,” sabi ni Trillanes.
 
Ang approving authority aniya ay si Pangulong Duterte noong alkalde pa ng Davao City na boss ni Go at ang mga proyekto ay nasa siyudad mismo na labag sa batas.
 
“Kaya dawit itong si Duterte, obvious e, 125 projects, hindi nangyaring aksidente ‘yun. Hindi ‘yan one time big time, 125 ‘yan. This is an airtight case, deretso sa kulungan,” dagdag niya.
 
Kombinsido si Trillanes na ‘natakot’ ang state auditors kay Pangulong Duterte kaya’t kahit naisiwalat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang nasabing isyu noong 06 Setyembre 2018 ay hindi kumilos ang COA.
 
“Can you imagine kung gaano ang takot nila (COA), papatayin sila e. Hindi ba may sinabi si Duterte na itulak na lang sila sa hagdanan, sino ang gaganahan do’n?”
 
Matatandaan sa kanyang talumpati noong 16 Setyembre 2018 sa Laoag City, Ilocos Norte, inudyukan ni Duterte ang mga lokal na opisyal na huwag sundin ang state auditors at itulak sila sa hagdan.
 
Habang noong 08 Enero 2019, sa speech ni sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City, nagbanta siyang ipadudukot at isasailalim sa torture ang state auditors.
 
“Putangina ‘yang COA na ‘yan. Leche. Kasi ‘yung COA, every time, may mali talaga. Ano ba itong COA na ito? Mag-kidnap tayo ng taga-COA, lagay natin dito, i-torture natin dito. T___ina,” aniya.
 
Kaugnay nito, sa kanyang Talk to the People kagabi, tila naumid ang dila ni Pangulong Duterte sa mga akusasyon ng korupsiyon nina Trillanes at Sen. Manny Pacquiao at inutusan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na makipag-debate sa dating senador.
 
“Trillanes, Pacquiao ‘yan, they want to hold power because may nakita silang oportunidad sa kanila. I leave Trillanes to you, baka puro daldal ‘yan hindi naman lalaban ng debate ‘yan,” sabi ng Pangulo.

About Rose Novenario

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *