MA at PA
ni Rommel Placente
KAHIT 23 years old pa lang ang GF ni Jerome Ponce na si Sachzna Laparan, nakabibilib na marami na itong pera. Kabibili lamang nito ng bahay at wala pang isang taon ay CEO na ng sarili niyang skin care company.
Bukod pa sa laki ng kita nito sa pagba-vlog, daig pa ang ibang artista na may more than 2 million subscribers na. Sa guesting ng aktres at social media influencer sa aming programa sa FYE Channel sa Kumu ay sinabi niyang hindi siya pinakikialaman ni Jerome pagdating sa pera.
“Nagbibigay lang siya ng advice. Pero lagi niyang sinasabi sa huli ako pa rin ‘yung magdedesisyon.”
Aminado rin si Sachzna, na pagdating sa pera ay mas masinop si Jerome kaysa kanya. Pinapangaralan pa nga siya nito at napapagalitan kapag sumusobra ang pagsa-shopping na hindi naman dapat.”
Bilang paghahanda rin sa kanilang future, balak nilang mag-venture sa negosyo.