COOL JOE!
ni Joe Barrameda
IBINAHAGI ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo na dream come true para sa kanya na ma-interview ng GMA News pillar na si Jessica Soho.
“Mayroon akong interview na mangyayari sa farm sa Zambales with Ms. Jessica Soho. Actually dream of mine rin na ma-interview niya. Magko-collab din kami sa vlogs, so watch out for that,” pagbabahagi ni Bea sa kanyang fans sa pamamagitan ng Kapuso Kuwentuhan Live na ginawa ni Bea nitong July 1 pagkatapos niyang pumirma sa GMA Network.
Ngayon pa lang ay isa na nga ang interview na ito with Jessica sa mga inaabangan ng maraming fans ni Bea.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com