Wednesday , December 25 2024

Duterte kinasahan ni Pacquiao (Sa hamong corrupt ibisto)

ni ROSE NOVENARIO

PINATUNAYAN ni Sen. Manny Pacquiao ang pagiging eight-division boxing champion nang hindi inurungan ang hamon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na isiwalat ang mga impormasyon hinggil sa korupsiyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni Pacquiao, nais niyang simulan ang pagbubulgar ng mga katiwalian sa administrasyong Duterte sa Department of Health (DOH) sa ilalim ni Health Secretary Francisco Duque III partikular sa pondong inilaan sa CoVid-19 pandemic.

“Magsimula tayo sa DOH,” pahayag ni Pacquiao sa isang kalatas.

“Silipin at busisiin natin lahat ang mga binili, mula sa rapid test kits, PPE, masks, at iba pa. Handa ka ba, Sec. Francisco Duque, na ipakita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?” giit ng senador.

Binigyan diin ni Pacquiao, hindi siya tiwali at hindi rin siya nagsisinungaling sa kanyang mga salita.

“Mawalang galang po mahal na Pangulo, nguni’t hindi ako sinungaling…  Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan n’yo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para sa kampanya kontra korupsiyon,” sabi ni Pacquiao.

Sa kanyang public address kamakalawa ng gabi, hinamon ni Pangulong Duterte si Pacquiao na tukuyin ang mga tanggapan ng gobyerno at mga empleyado na sangkot sa korupsiyon upang patunayan na ang kanyang administrasyon ay tatlong beses na mas tiwali sa nakaraang mga administrasyon.

Nagbabala ang Pangulo na kapag hindi kinilala ng senador ang mga tiwali sa kanyang administrasyon ay mangangampanya siya para huwag iboto si Pacquiao sa 2022 dahil siya’y sinungaling.

Ngunit noong Setyembre 2020, mismong si Pangulong Duterte ay aminado na hindi niya masugpo ang korupsiyon sa gobyerno kaya gusto na niyang magbitiw.

“I offered to resign as president, sabi ko kasi nagsasawa na ako. Even with the investigation or the clamor for government to shake the tree, wala, hanggang ngayon it’s being committed every day. Can you stop it? You cannot, there is no way,” sabi ng Pangulo sa kanyang public address noong 29 Setyembre 2020.

“I appeal again to Congress, I cannot fight corruption… I cannot find a way to move who are almost resistant to finding fault and resisting moves of government to improve. Congress might want to enact a legislation,” dagdag niya.

Ilang beses inihayag ng Pangulo na kapag may nabalitaan siya kahit “whiff of corruption” ang isang opisyal ay agad niyang sisibakin sa puwesto.

Ngunit si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president and CEO Vince Dizon na kinasuhan ng graft at malversation kaugnay ng P11-bilyong New Clark sports hub sa Capas, Tarlac noong Oktubre 2020 ay nananatili bilang deputy chief implementer of the National Task Force Against CoVid-19.

Si Duque ay binansagang ‘godfather ng mafia’ sa PhilHelth ay inirekomenda ng Senate Committee of the Whole na sampahan ng mga kaso ngunit inabsuwelto mismo ni Duterte.

Noong 2018, kahit ‘nalusutan’ ng bilyones na halaga ng shabu si noo’y Bureau of Customs (BoC) commissioner Isidro Lapeña ay inilipat lamang siya ni Pangulong Duterte bilang TESDA director-general.

Habang si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na ‘nalusutan’ din ng tone-toneledang shabu ay inilipat ni Pangulong Duterte bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ilang beses na rin binatikos ni Pangulong Duterte ang katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ngunit hindi niya inaalis sa puwesto si Secretary Mark Villar.

 

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *