MA at PA
ni Rommel Placente
SA pamamagitan ng Kumu, nakapanayam namin ang Total International Entertainer na si Nick Vera Perez. Katatapos lamang niyang mag-record ng songs para sa kanyang dalawang album, ang NVP1.0: NVP 1s More at ang Christmas album na Our Christmas, The Most Wonderful Time of The Year!
At bongga si Nick, huh! Sa CRC legendary Sound lang naman siya nag-recording. Ito ang recording studio na rito rin nag-record ang ilan sa mga sikat na international singers na sina Michael Jackson, Lady Gaga, Rihanna, Boys Two Men, at iba pa. O ‘di ba, ka-level niya ang mga ito!
Bale itong dalawang album na ginagawa ni Nick ay pangalawa at pangatlo, ang una ay ang I Am Ready.
Nakabibilib naman ang mahusay na singer dahil sa gitna ng pandemic ay nakagawa pa rin siya ng album.
“NVP 1.0 has 12 songs. Music and lyrics by Adonis Tabanda. Loyalist ako, eh. I stick to one. I contacted him for 10 albums.
“Itong album, nakatutok sa mga love song. Mixed ito ng English at Tagalog songs. Nakatutok sa mga…be strong this time, huwag kang patatalo.
“Ang ‘Laban Lang Tayo!” is a song for the pandemic,” sabi ni Nick.
“’Yung Christmas album ko naman, composed of 10 songs. Apat dito ay revivals, including ‘I’ll Be Home For Christmas,’” aniya pa.
Paano ba niya pinaglabanan ang pandemic?
“I believe everything is in the mind. Pinakamahirap na kalaban is utak. And then hindi mo rin naman pwedeng sabihin na kahit gaano ka ka-positive sa nangyayari, ako I’m a positive person, pero dumaan ako sa hindi naman depression kasi a depression is already a diagnosis.
“Dumaan ako sa mga araw na wala akong ganang mag-taping, kumanta as in gusto ko lang humiga ako sa kama. Parang nawalan ako ng gana sa buhay. Then ‘yung mga angels ko (NVP) lalo na si Olive, lagi akong sinasabihan na ‘do not give up for us,’ mga ganon ba na, ‘we need you.’
“Ang daming messages na parang minsan oo nga ba’t ako palaging nagsasabi na ‘I lift people up and then I cannot lift myself.’ ‘Yun ang mga inspiration.”
May propesyon at trabaho bilang isang registered Nurse, bakit hindi niya makalimutan ang music?
“Music is my first love. Nursing, pinagbigyan ko lang parents ko, kaya sige, nag-Nursing ako and at the same time matulungin kasi ako, kaya gusto ko ‘yung Nursing.
“Kasi everytime I come home from Nursing, parang ang gaan ng feeling na may natulungan ka. Hindi ko tinitignan ‘yun na trabaho siya, kaya siguro I lasted 28 years in ICU. Pero everytime I help someone, parang ‘yun ‘yung calling ko sa buhay. Like a real person helping one and helping the other. ‘Yun ‘yung feeling ko roon.
“Sa music naman, kaya nagugustuhan ko siya, kasi it helps the listeners to pull themselves up. I believe everything you say, everything you sing, may effect sa mental condition ng tao. Kasi karamihan na ng mga song ngayon, ay may sexual explicit ang mga lyrics ‘di ba?
“Kaya ako, ‘yung mga positive music. Sa music gumagaan ‘yung feeling ko,” paliwanag pa ni Nick.
Ang NVP 1.0: NVP 1s More, ay iri-release sa late August to early September 2021. At ang Our Christmas, The Most Wonderful Time of The Year! ay iri-release naman sa first week ng December 2021.