Friday , November 15 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

‘Sampalan Blues’

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

HUWEBES na, pero torete pa rin ang tenga ko sa narinig ko mismo mula sa bunganga ni Rodrigo Duterte noong Lunes sa kanyang weekly late night address sa taongbayan. Sabi ko sa sarili ko masyado na akong masokista dahil pinakikinggan ko pa ang tila sirang plakang retorika na galing sa isang taong, alam ko halal ng bayan bilang pangulo, ngunit nag-aastang lasenggo sa gin at wala na sa hulog ang pinagsasabi.

Nagduda na ako noon sa hulog ng kanyang katinuan, pero ngayon wala na akong duda nang marinig kong ‘bullshit’ daw ang International Criminal Court (ICC) at gusto niyang sampalin ang mga hukom nito, isang linggo matapos irekomenda ng punong taga-usig na si Fatou Bensouda ang pormal na imbestigasyon sa ‘war on drugs.’

“Itong ICC, bullshit ito!” ani Duterte, “Why would I defend or face an accusation before white people? You must be crazy.” Sinabi niya ito noong 21 Hunyo sa kanyang weekly televised public address.

Nakatatawa ang paratang ni Duterte dahil taga Gambia ang punong taga-usig ng imbestigasyon sa EJK at hindi siya puti.

Dagdag niya: “Sampalin ko ‘yung judges diyan, e loko-loko kayo. You want my country to go down the drain.”

Binanggit ni Duterte si ICC chief prosecutor Fatou Bensouda at pilit niyang ipinaliliwanag na ang Filipinas ay hindi naging kasapi ng ICC dahil ang Rome Statute na nagbuo ng ICC ay hindi nalathala sa Official Gazette matapos ratipikahin ng Kongreso. Umalis ang Filipinas sa ICC noong 2019.

Iwanan muna natin ang issue niya sa ICC, at dumako naman tayo sa kasalukuyang hakbang niya laban sa CoVid-19. Heto ang tugon niya sa mga agam-agam sa pagbabakuna: “Kung ayaw mong magpabakuna, ipaaresto kita at ang bakuna, itusok ko sa puwet mo. Putang ina, buwisit kayo!”

Dagdag pa niya: “Magpabakuna kayo o ipakulong ko kayo sa selda.”

Ang mga agam-agam sa bakuna ay nagsimula nang siraan ni dating hepe ng PAO Persida Acosta ang pagbabakuna laban sa Dengvaxia. Dahil sa ginawa ni Acosta, tuluyang nawalan ng tiwala ang marami sa bakuna. Sa huli, nagbabala pa siya na tuturukan niya ang ayaw magpabakuna ng Ivermectin. Ang Ivermectin ay anti-parasitic na gamot at ito ay para lang sa hayop.

Sa totoo lang natatawa na lang ako sa ipinakikitang kabaliwan ni Mr. Duterte. Sinabihan na nga ako ng inaanak kong si Abraham “Abi” Mendoza na masyado daw akong “patola,” at huwag ko na pansinin ang sinasabi ni Mr. Duterte dahil hindi naman niya gagawin iyon.

Napaisip ako dahil may katuwiran itong inaanak ko. Kaya tuldukan ko na ang kuwentong kabaliwan ni Duterte.

***

PUMANIG tayo sa kuwentong may kalakip na “good news.” Nanalo ang koponan ng Gilas sa South Korea sa isang “buzzer beater” sa nagaganap na FIBA Asia Cup noong June 18. Nagbitiw ng maanghang na salita si Gilas head coach Tab Baldwin matapos sabihin ng “tactician” ng koponan ng Korea Cho Sang Hyun na tinalo ng Gilas ang Korea dahil sa isang “lucky shot” o tsamba ang panalo. Ang Korea ay nakatikim ng talo sa Filipinas sa unang pagkakataon makalipas ang walong taon.

Ani Coach Tab Baldwin: “We’ve already read that the Korea coach felt that we were lucky to win the game, frankly, I think that was pretty rich of any coach to walk off a game of which he lost and claim that it was good luck on the part of your opponent.”

Matapos talunin ng Gilas ang koponan ng Indonesia sa score na 76-51, ipinakita ng koponan ng Gilas na hindi tsamba ang pagkatalo nila sa mga Koreano matapos talunin silang muli ng Gilas sa score na 82-77. Sa pagkapanalo ng mga bata niya, sinabi ni Tab Baldwin head coach ng Gilas: ”I’m obviously overjoyed, to take three wins in this window.”

Bukod sa patuloy na tagumpay na tinatamasa ng Gilas sa FIBA Asia Cup, nariyan din ang pagkapanalo ni Yuka Saso sa US Women’s Open, at pagkapanalo ng junior women’s doubles team ni Alex Eala at Russian partner na si Oksana Selekhmeteva sa 2021 French Open.

Sa patuloy na masama at negatibong balitang nakakalap natin, nakatutuwa, at may mga panahon ng “good news” at balitang “nakaii-inspire” sa atin. Kaya mula sa sambayanan, ipinaabot namin sa inyo ang taos pusong pasasalamat at pagsuporta.

Mabuhay kayo.

***

Ang mga nominadong Judicial Bar Council para sa Associate Justice ng Supreme Court: Amparo Cabotaje-Tang; Sedfrey Candelaria; Ramon Cruz; Japar Dimaampao; Geraldine Faith Econg; Rafael Lagos; Jose Midas Marquez; Maria Filomena Singh; at Raul Villanueva.

MGA PILING SALITA: “The Philippines is that Asian country where murder is incited by the President, conducted by the cops, and ignored by the people. On Sunday they all go to mass.” – Joe America

 

TUNGKOL SA PAGSUSUOT NG FACESHIELD

DOH Undersecretary Leopoldo Vega (June 16): Kapag nasa outside naman, kasi alam naman natin ang risk of transmission is very low, at lalo kapag naglalakad lang sa kalye o kaya nagtatrabaho ka, kasi makaaapekto ‘yung moist nito, so puwede ninyo kaming tanggalin diyan”

Cabinet Secretary Carlo Nograles (June 17): “Face shields are still required, we will run this through the IATF meeting.”

DOH Secretary Francisco Duque III (June 17): “Any layer of protection is better than less protection.”

Presidential Spooksperson Harry Roque (June 17) ; “I can confirm… That the President did say that the wearing of face shield should only be in hospitals. When the president has decided, that is the policy.”

Rodrigo Duterte (June 21) “Bawal ang walang face shield sa loob at labas!”

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *