ITINUTURING pa rin ni Presidential spokesman Harry Roque na kaibigan si Iloilo City Mayor Jerry Treñas kahit sinabi ng alkalde na mas mabilis ang kanyang bunganga kaysa utak.
Inihayag ito ni Roque kasunod ng panayam kay Treñas sa programang Sa Totoo Lang sa Radyo Singko kamakalawa na binatikos ang kanyang paninisi sa mga residente ng Iloilo City na sumusuway sa minimum health protocols kaya mataas ang kaso ng CoVid-19 sa lungsod.
“Of course [we’re still friends]. My mother [is] from Jaro. I’m an Ilonggo,” ani Roque sa text message sa media kahapon.
Nanindigan si Roque na ang solusyon sa pagtaas ng kaso ng CoVid-19 ay ang “Mask, Hugas, Iwas” at bahagi lamang ng solusyon ang bakuna
“I can assure Mayor Treñas that, unfortunately, pagdating po sa pagtaas ng kaso, ang solusyon po talaga ay ‘Mask, Hugas, Iwas’ at kabahagi po ng solusyon ay bakuna,” hirit ni Roque sa panawagang dagdag na bakuna ni Treñas para sa Iloilo City.
“Pero ang dahilan po talaga ng paglobo, ‘yung kakulangan sa ‘Mask, Hugas, at Iwas.’ ‘Yan na po ay established fact. At saka ‘yung new variants po,” dagdag ni Roque.
Nauna nang sinabi ni Treñas na nagdadalawang isip siya kung susuportahan ang senatorial bid ni Roque sa 2022 dahil nasaktan siya sa paninisi nito sa mga Ilonggo imbes gumawa ng hakbang para matulungan sila.
“I was thinking of helping him because he is planning to run sa Senate. Ngayon I am ambivalent about the whole situation because instead of helping Iloilo City, he is blaming the Ilonggos. So what kind of secretary are you? Are you there as a secretary to help us or are you a secretary blaming people because they get sick?” giit ng alkalde.
(ROSE NOVENARIO)