Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Health protocols implementation lalong humihigpit (Bakunado dumarami)

YANIG
ni Bong Ramos

SA RAMI ng mga kababayan nating nabakunahan na ay mas lalo naman yatang humihigpit ang ating gobyerno sa pagpapatupad ng health protocols na dapat sana ay luwagan nang konti.

Tila hindi hulma o tugma ang kalakarang ginagawa ng administrasyon na dapat ay nagluluwag na sa health protocols base sa bilang ng mga nabakunahan.

Iyan nga ang rason kung kaya’t minamadali na ang pagpapabakuna para sa lahat ng Pinoy dahil ito ang malakas na proteksiyon laban sa CoVid-19.

Lumalabas na balewala rin ang mga bakunang itinurok sa ating katawan kung mananatili ang takot at pangamba sa mga mamamayan dahil sa health protocol na patuloy na ipinapatupad ng ating gobyerno bakunado man o hindi.

Halos mahigit isang taon na ang pandemya ngunit walang ipinagbago sa pagsunod sa health protocols gayong nandito na ang mga bakuna na sinasabi nilang lunas o dili kaya’y proteksiyon laban sa virus.

Imbes magluwag, maski na unti-unti ay lalo pang hinigpitan sa mga health protocol ang mamamayan sa kabila ng pagdating ng mga bakuna.

Hindi kaya masyadong over-protective na ang ating gobyerno sa mga mamamayan? Pamimihasain na lang bang palagi na sumunod sa mga health prorocol ang ating mga kababayan na simula pa lang ay iyon at iyon pa rin?

Kailan kaya nila malalaman kung talagang epektibo ang mga bakunang itinurok sa kanilang mga katawan gayong wala namang ibang nababago sa kanilang ipina-patupad.

Mantakin ninyong ultimo face shield ay patuloy pang ipinapagamit sa mga kababayan natin gayong may facemask pa rin naman na obligadong isuot saan man at ninoman.

Hanggang kailan kaya mababalot ng takot at pangamba ang taongbayan sa kabila ng pagdating ng mga bakuna na kung saan-saang bansa nagmula?

No guts, no glory dahil kailangan nating makipag-sapalaran sa anomang sitwa­syon na dumating sa ating buhay. Iwaksi muna natin ang takot at pangamba para sa buong bansa.

Hindi kasi tayo aasenso at hindi rin aandar ang ating ekonomiya kung mananatiling takot na hindi malayong makasanayan na rin natin.

There’s no harm in trying at dapat natin isipin na hindi ibibigay sa atin ng Diyos kung hindi makakayanan.

Huwag nating beybehin ang virus dahil siguradong igugupo tayo nito. Nasa paniniwala rin natin kung paano malalampasan at mapag­tatagumpayan ang  pinagdaraanan. Kaya natin ito!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isang makatarungang trapik para sa MRT-7

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA 1 Pebrero, dapat nang maghanda ang mga motorista …

PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Paninindigan ni Chiz sa  impeachment vs VP Sara tama, batas dapat masunod

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng matinding tensiyon at ingay ng politika noong kasagsagan …

Sipat Mat Vicencio

Mr. President, bakit hindi ‘urgent’ ang anti-political dynasty bill?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …