Sunday , December 22 2024

“I will kill you” ni Duterte swak sa ICC

 
ni ROSE NOVENARIO
 
KOMBINSIDO ang isang law expert na ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagnanais na patayin ang mga sangkot sa illegal drugs ay maaaring maging ebidensiya laban sa kanya sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war killings.
 
Ayon kay Atty. Ruben Carranza, isang senior expert sa New York-based International Center for Transitional Justice, bagama’t mahahalagang ebidensiya sa alinmang criminal trial ang forensic physical evidence at eyewitness accounts kailangan ang mahalagang bahagi sa kaso sa ICC ang puwang na nag-uugnay sa mga pumatay at sa nag-utos o sa mga hinayaan ang patayan.
 
“Forensic physical evidence is important but eyewitness accounts are just as important but even beyond those two type of evidence in any criminal trial, there is an important part in ICC’s case that should be taken into account, that is the gap between the direct perpetrators. Those who actually committed the killings and indirect co-perpetrators, those who ordered or enabled the killings,” sabi ni Carranza sa programang The Chiefs sa One News kagabi.
 
Giit niya, ang nasabing agwat ay isa sa pinakamahalagang puwang na nangangailangan ng masusing pag-analisa ngunit maaaring natugunan na ito sa mga naging pahayag ni Pangulong Duterte, batay sa 57-pahinang request for judicial authorization to proceed with [a formal criminal] investigation na inihain ni outgoing chief prosecutor Fatou Bensouda sa ICC.
 
“Now, that gap is one of the most important gaps that require evidence, require analysis but ultimately, may be ultimately addressed by some of the statements of the president of the Philippines that are already referred to in the request,” ani Carranza.
 
May “legal weight’ aniya ang mga pahayag ng head of state sa international law kahit putol-putol pa ito.
 
Kailangan aniyang ikonsidera ang mga resulta o nangyari matapos maglabas ng mga pahayag ang Pangulo at kahit pa itanggi ito o ikonsiderang biro ng Malacañang, hindi mabubura ang katotohanan na sinabi ng Punong Ehekutibo ang mga pahayag.
 
“Incitement to crimes vs humanity is not a crime under Rome Statute, incitement that leads to killing is,” paliwanag ni Carranza.
 
“These statements contributed to that may constitute indirect co-perpetrators by those who make the statement,” dagdag niya.
 
Kombinsido rin si Carranza na may insider witnesses ang ICC na sangkot sa pagpatay at makapagtuturo sa koneksiyon ng matataas na opisyal sa patayan.
 
Ang papalit aniya kay Bensouda na si Karim Khan ay nakapunta na sa Filipinas at pamilyar sa drug killings.
 
IniIinaw ni Carranza, ang prosecutor’s request ay napakahalaga dahil ito ang yugto na ang mga suspek ay maaaring kilalanin ng prosecutor at mag-isyu ng summons o warrants of arrest ang Pre-Trial Chamber.
 
Matatandaan, paulit-ulit na sinasabi ni Pangulong Duterte mula noong 2016 ang salitang “I will kill you” kapag nagbabanta sa mga sangkot sa illegal drugs.
 
Kaugnay nito, nanindigan ang Malacañang na hindi makikipagtulungan ang administrasyong Duterte sa imbestigasyon ng ICC.
 
“This is now a political issue. Hinding-hindi magko-cooperate ang Presidente hanggang tapos ng kaniyang termino sa June 30, 2022,” ani Roque sa press briefing kahapon.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *