HUMIRIT si International Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda ng judicial authorization sa International Criminal Court (ICC) para sa patuloy na imbestigasyon kaugnay ng crime against humanity of murder sa isinulong na drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kalatas ni Bensouda kagabi na inilathala sa www.icc-cpi.int, official website ng ICC, sinabi ni Bensouda may nakita siyang sapat na batayan, batay sa isinagawang preliminary examination ng kanyang tanggapan sa mga kaso ng patayan bunsod ng Duterte drug war mula 1 Hulyo 2016 hanggang 16 Marso 2019.
Naniniwala si Bensouda, dapat siyang pagkalooban ng judicial authorization upang ituloy ang imbestigasyon.
“On the basis of that work, I have determined that there is a reasonable basis to believe that the crime against humanity of murder has been committed on the territory of the Philippines between 1 July 2016 and 16 March 2019 in the context of the Government of Philippines ‘war on drugs’ campaign,” ani Bensouda.
Hindi aniya puwedeng ikatuwiran ang pag-alis ng Filipinas sa Rome Statute sa ICC dahil naging epektibo ito noong 17 Marso 2019 kaya’t nananatili ang hurisdiskyon ng Court sa mga krimen na naganap sa teritoryo ng estado sa panahon na State Party pa ito ng Rome Statute.
“Although the withdrawal of the Philippines from the Rome Statute of the ICC took effect on 17 March 2019, as the Court has previously found in the context of the Burundi situation, the Court retains jurisdiction over crimes that are alleged to have occurred on the territory of that State during the period when it was a State Party to the Rome Statute. Moreover, these crimes are not subject to any statute of limitation,” giit ni Bensouda.
“Following a thorough preliminary examination process, the available information indicates that members of the Philippine National Police, and others acting in concert with them, have unlawfully killed between several thousand and tens of thousands of civilians during that time. My Office has also reviewed information related to allegations of torture and other inhumane acts, and related events as early as 1 November 2011, the beginning of the Court’s jurisdiction in the Philippines, all of which we believe require investigation,” dagdag niya.
Kaugnay nito, nanindigan si Pangulong Duterte na lehitimo ang mga patayan sa kanyang drug war dahil may mga pulis din na namatay dahil nanlaban ang drug suspect/s.
Pakiusap niya sa Commission on Human Rights (CHR), busisisin mabuti ang drug situation ng bansa.
“Para ‘to sa mga tao na ayaw maniwala ng may namatay na mga tao in the prosecution of the drug war.
Kita mo naman o may patay pero kita mo ‘yong nahuli sa operations, it’s 1,000. May araw na mag-2,000, 1,000. Hindi bababa ng 1,000 ‘yang mga nasa droga kaya nakikiusap ako sa mga human rights, kindly take a deeper look into the drug situation. You would notice that there are really persons who die almost daily because ‘yan, ito lumaban talaga at hindi kasali ang pulis ko na may tama at namatay rin,” anang Pangulo sa kanyang Talk to the People kagabi.
Matatandaang naluklok si Pangulong Duterte sa Malacañang noong 2016 sa paniwala ng 16 milyong botante sa kanyang campaign promise na tutuldukan ang problema sa illegal drugs sa unang tatlong buwan ng kanyang administrasyon.
Sa ikatlong buwan ng kanyang panunungkulan bilang Presidente, humingi siya ng tatlo pang buwan para walisin ang illegal drugs at kalaunan ay umamin din na hindi kayang wakasan sa loob ng anim na taon niyang termino.
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG
ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …