Sunday , November 17 2024

Troll farms tiba-tiba sa 2022 polls (Dahil sa pandemya)

ni ROSE NOVENARIO

TIBA-TIBA ang troll farms at online campaigning sa 2022 elections kahit sa panahon na nagtatakda ng lockdown at ipinaiiral ang mga restriksiyong pangkalusugan dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Naniniwala si Aries Arugay, professor sa UP Diliman Department of Political Science, mas magiging epektibo sa kampanya ng mga kandidato ang troll farms at online campaigning bunsod ng mga umiiral na CoVid-10 health protocols.

“Mas lalo itong mapaiigting, given we’re in a pandemic, given the nature of campaigning will likely change. Siguro, ‘yung paghahawak-kamay, pagpunta, mga sorties, mababawasan ‘yan definitely, at mapapalitan ‘yan ng online campaigning . At sa tingin ko, magiging mas mabisa ito given the online presence of most Filipinos,” ani Arugay kaugnay sa online trolls.

Ang trolls ay mga taong nag-uumpisa ng away sa internet o “mga taong nakikisali sa usapan ng may usapan sa internet at nagpo-post ng mga hindi kaaya-aya upang makakuha ng atensiyon o makapanakit ng ibang tao.”

Sumikat ang troll industry sa Filipinas noong 2016 elections na sinasabing naging malaking ambag sa tagumpay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong nakalipas na linggo, isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson na isang undersecretary sa Malacañang ang nagsisil­bing ‘ninong’ ng trolls para atakehin ang mga kritiko ng administra­syong Duterte at mga posibleng kalaban ng kanyang mga ‘manok’ sa 2022 elections.

“Ngayon pa lang mayroon akong alam na isang high official, sabihin na lang nating unders­ecretary na nag-o-organize na sa buong bansa sa bawat probin­siya. Hinihingan na ng quota na mag-organize ng at least dalawang troll [farm] sa isang probinsiya,” ani Lacson.

“You can just imagine if it materializes and using the resources of the government whether or not it was sanctioned by Malacañang. Well, I hope no and I don’t believe so,” sabi ng senador.

Ayon sa source ng Hataw, ang naturang undersecretary ay alaga ng isang cabinet secretary at ng isang mambabatas dahil nabilog ang kanilang ulo sa husay ng boladas.

Sa kabila ng mga eskandalong kinasang­kutan ng Usec, hindi siya natitinag dahil pinaki­kinabangan umano ang kanyang mga ideya na karaniwan naman ay palpak, ayon sa source ng Hataw.

“Nagbubunyi ang marami sa expose laban kay Usec, para kaming nanonood ng labanang Ping kontra Ping,” sabi ng source.

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *