Sunday , December 22 2024

Punto ni Paqcuiao sa WPS knockout punch kay Duterte

KUNG sa boksing idinaan ang debate sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), tiyak na knockout si Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Mannuy Pacquiao, ayon sa isang legal expert.

Ayon kay Far Eastern University (FEU) Institute of Law dean Atty. Mel Sta. Maria, sentido-komon lamang ang kailangan sa WPS isyu na ginamit ni Pacquiao sa kanyang paninindigan, Filipinas muna bago China.

“Common sense lang. Inang Bayang Pilipinas muna bago Tsina. At sa aking palagay, knockout punch ang punto ni Senator Manny. Hindi masasangga at maiiwasan iyon,” sabi ni Sta. Maria sa kanyang Facebook post kahapon.

Tumpak aniya ang pagtasa ni Pacquiao na may kulang sa tugon ng pamahalaan sa usapin ng WPS.

“As between the President,” ani Senator Pacquaio, “with all due respect to the President, Senator Pacquiao is right in his assessment that there is something lacking in our government’s response to the West Philippine Sea problem. Hindi lang kaunti ang kulang, sobra ang kulang,” sabi ni Sta. Maria.

“Pasensiya na Mr. President, sa puntong ito, mas-tama ang boksingero kaysa abogado. Di kailangan ang mga titulo para matanto ang tama,” dagdag niya.

Umalma kamaka­lawa si Pacquiao nang maliitin ni Pangulong Duterte ang kanyang kaalaman sa foreign policy kaugnay sa isyu ng WPS.

Nanindigan si Pacquiao na ang kanyang pahayag ay sumasalamin sa sentimyento ng mayorya ng populasyon ng Filipinas, na nagkaisa sa pagprotekta sa sobe­ran­ya habang isinusulong ang mapa­yapa at diplomatikong solusyon sa agawan sa teritoryo sa WPS.

Noong nakaraang buwan, unang binatikos ni Pacquiao ang aniya’y naging malamlam na postura ni Pangulong Duterte sa reclamation at militarization ng China sa South China Sea mula nang maluklok sa Malacañang noong 2016.

“Nakukulangan ako roon, kompara doon sa bago siya tumakbo sa eleksiyon pa lang. Dapat ituloy niya ‘yun para magkaroon ng respeto sa atin ang China,” sabi ng senador sa isang virtual press briefing noong Mayo.

Isa si Pacquiao sa naging kritikal sa pahayag ng Pangulo kamakailan na tanga ang mga naniwala sa kanyang ‘biro’ na sasakay ng jet ski patungong WPS upang itanim ang watawat ng Filipinas sa ginanap presidential debate noong 2016 elections.

Sa halip igiit ang panalo ng Filipinas sa arbitral court na nagpawalang bisa sa 9-dash line claim ng Beijing sa South China Sea, isinantabi ito ni Pangulong Duterte kapalit ng loans mula sa China para sa mga proyektong impraes­truktura ng kanyang administrasyon.

Batay sa ilang political observers, ang bangayan nina Duterte at Pacquiao ay pinaningas ng resolusyon ng PDP-Laban na inuudyukan ang punong ehekutibo na tumakbong vice president, na may karapatan pumili ng kanyang running mate sa 2022 elections ngunit kinontra ng senador.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *