Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Anthony Fernandez Claudine Barretto Gerald Santos
Mark Anthony Fernandez Claudine Barretto Gerald Santos

Gerald kaagaw ni Mark kay Claudine

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ng Prince of Ballad na si Gerald Santos sa birthday show namin sa Kumu, sinabi niya na natakot siya after niyang mabakunahan kontra Covid. Nagkasakit kasi siya.

“Four to five days akong nilagnat. Ang sakit ng katawan ko at sinipon na halos hindi makahinga,” sabi ni Gerald.

Ayon pa kay Gerald, nakapapraning nga dahil ang mga naramdaman niya ay katulad ng mga sintomas ng isang taong may Covid-19. Mabuti na lamang ay bumuti ang lagay niya matapos ang anim na araw. Pero huwag mabahala ang publiko kung ganoon ang nangyari sa kanya.

Kanya-kanya lang ang reaksyon ng bakuna sa katawan ng tao kaya huwag matakot.

Samantala, tuloy na ang shooting ni Gerald this June sa musical film ng lifestory ni Dr. Willy Ong. At uumpisahan na rin niya ngayong June, ang comeback movie ni Claudine Barretto na makakatambal muli ang ex na si Mark Anthony Fernandez.  Ito ay ang Deception na gaganap siya bilang ka-love triangle nina Mark at Claudine.

Ang nasabing pelikula ay pamamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …