Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte vs Pacquiao: Round 2 sa WPS issue

HINDI nagpaawat si Sen. Manny Pacquiao nang ‘bigwasan’ muli si Pangulong Rodrigo Duterte nang maliitin ang kanyang kaalaman sa foreign policy kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
 
Sinabi ni Pacquiao, hindi siya sang-ayon sa pagtasa ng Pangulo sa kanyang pang-unawa sa foreign policy.
 
Si Duterte ang chairman at si Pacquiaoang acting president ng ruling PDP-Laban.
 
Sa panayam kamakalawa ng gabi sa SNMI, tinawag ni Pangulong Duterte na mababaw ang kaalaman ni Pacquiao sa foreign policy kaya’t dapat mag-aral pa siya bago magbigay ng komento sa usapin ng WPS.
 
Nanindigan si Pacquiao na ang kanyang pahayag ay sumasalamin sa sentimiyento ng mayorya ng populasyon ng Filipinas, na magkaisa sa pagprotekta sa soberanya habang isinusulong ang mapayapa at diplomatikong solusyon sa agawan sa teritoryo sa WPS.
 
“I firmly believe that my statement reflects the sentiment of majority of the Filipinos, that we should stand strong in protecting our sovereign rights while pursuing a peaceful and diplomatic solution to the dispute,” sabi ni Pacquiao sa isang kalatas kahapon.
 
“I am a Filipino voicing out what needs to be said in defense of what has been adjudicated as rightfully ours,” dagdag niya.
 
Noong nakaraang buwan, binatikos ni Pacquiao ang aniya’y naging malamlam na postura ni Pangulong Duterte sa reclamation at militarization ng China sa South China Sea mula nang maluklok sa Malacañang noong 2016.
 
“Nakukulangan ako roon, kompara doon sa bago siya tumakbo noong eleksiyon pa lang. Dapat ituloy niya ‘yun para magkaroon ng respeto sa atin ang China,” sabi ng senador sa isang virtual press briefing noong Mayo.
 
Isa si Pacquiao sa naging kritikal sa pahayag ng Pangulo kamakailan na tanga ang mga naniwala sa kanyang ‘biro’ na sasakay ng jet ski patungong WPS upang itanim ang watawat ng Filipinas sa ginanap na presidential debate noong 2016 elections.
 
Imbes igiit ang panalo ng Filipinas sa arbitral court na nagpawalang bisa sa 9-dash line claim ng Beijing sa South China Sea, isinantabi ito ni Pangulong Duterte kapalit ng loans mula sa China para sa mga proyektong impraestruktura ng kanyang administrasyon. (ROSE NOVENARIO)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …