BUKAS ang Filipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa naganap na extrajudicial killings sa isinulong na drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ito ni Davao City Mayor Sara Duterte kapag naluklok na susunod na Pangulo ng bansa sa 2022, ayon kay dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya sa panayam sa After the Fact sa ANC kagabi.
“Let them investigate, I will not stop it. Investigate That’s the only way we can cure the public misconception of what happened during my father’s time,” sabi umano ni Sara kay Andaya nang magtungo ang huli sa Davao City kasama si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro.
Giit aniya ni Sara, kapag may natuklasan ang ICC investigator/s ay hihimukin niyang magsampa ng kaukulang kaso.
“Open up the doors. If they find something, then file a case.”
Matatandaan, ang grupo ni dating Sen. Antonio Trillanes ang naghain ng reklamo sa ICC hinggil sa mga patayang naganap kaugnay ng drug war ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Andaya na kinakausap niya si dating Speaker Sonny Belmonte para masungkit ang suporta ng Quezon City para sa Sara-Gibo.
Kompiyansa si Andaya na baluwarte ni Teodoro ang Luzon habang si Sara ay Visayas at Mindanao kaya’t Malaki ang bentaha nila sa mga posibleng katunggali sa 2022. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS
MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …