PINAHIRAM ng pribadong eroplano ni San Miguel Corp. President and Chief Operating Officer Ramon S. Ang si dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro para magpunta sa Davao City upang ‘maselyohan’ ang tambalang Sara-Gibo sa 2022 elections.
Ikinuwento ni dating Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., na nanghiram ng private plane si Gibo sa kompanya ng kanyang namayapang tiyuhin na si Danding Cojuangco upang makarating sila sa Davao City at makipagpulong kay Davao City Mayor Sara Duterte.
Abot-tainga ang ngiti ni Andaya habang isinasalaysay sa programang ‘Wag Po sa TV5 ang espesyal na trato sa kanila ni Sara na inilaan ang buong araw kahapon para estimahin sila ni Gibo.
Aniya, tatlong beses silang sinalohan sa pagkain ni Sara at hinamon si Gibo na magpabakuna ora mismo upang maging poster boy at makatulong sa pagkombinsi sa mga residente ng siyudad na maniwala sa bisa ng CoVid-19 vaccine.
Hindi aniya nagdalawang-isip si Gibo at nagpabakuna bilang bahagi ng A3 priority group bunsod ng kanyang hypertension.
“‘Yung iba bang nagpunta rito ay maghapon na hinarap ni Sara? Pinakain ba sila ng tatlong beses? Inalok ba silang magpabakuna?” ani Andaya.
Matatandaang nagtungo rin sa Davao City sina dating Sen. Bongbong Marcos at Leyte Rep. Martin Romualdez upang batiin nang personal si Sara sa kanyang kaarawan noong Lunes.
Dahil 1st dose ng Sinovac ang itinurok kay Gibo, obligado siyang bumalik sa Davao City upang magpabakuna ng second dose matapos ang apat na linggo.
“Noong sinabi ko ‘yun na silang dalawa ang destined to be with each other, masarap, matamis at kalmado pareho ang ngiti nila, ‘yung katanggap-tanggap na ngiti,” sabi ni Andaya, “‘yung ngiti po no’ng dalawa ‘e sing tamis po ng asukal kaya wala pong kaduda-duda, mangyayari ‘yun.”
“Parang soulmates kumbaga, ngayon lang nagkita pero soulmates talaga at mayroon pang magandang mensaheng ipinakita ang tandem na ‘to.”
Ayon kay Andaya, inaasahang sina Sara at Gibo mismo ang mag-aanunsiyo ng kanilang tambalan sa 2022 elections sa susunod na buwan. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …