Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia pinaratangang sinungaling ng netizens

MA at PA
ni Rommel Placente

TILA parang taga-NBI ang mga netizen at hindi nakalusot si Julia Barretto sa pagsasabing hindi pa siya nakakakain ng isaw.

Sa vlog ng boyfriend niyang si Gerald Anderson niya ito sinabi nang mag-guest siya rito.

Sa ilang video at larawan na kumalat, makikita rito ang ilang moments na kumakain ng isaw si Julia. Isa sa ipinakita ay ang teleseryeng MiraBella na kumakain ng isaw kasama si Enrique Gil.

Mayroon ding video na kasama si Enrique sa Gandang Gabi Vice na makikitang kumain din ito ng isaw.

Isa pang kumalat ay kasama naman niya si Ronnie Alonte sa isang sasakyan na kumakain din siya ng isaw.

Bumanat naman ang isang anonymous na netizen at sinabing kung kaya ni Julia magsinungaling sa maliit na bagay, paano pa kapag seryoso ang akusasyon sa aktres?

Sa mga comment ng mga netizen na parang pinalalabas nila na sinungaling si Julia, ano kaya ang reaction dito ng aktes?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …