INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na physically ay nagrereport sa kanilang mga trabaho sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) period mula 12 Abril hanggang 14 Mayo o 31 May.
Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, inamyendahan ni Duterte ang AO 26 na nagbibigay ng hazard pay sa mga manggagawa ng gobyerno na required na physically ay nagre-report sa site para sa kanilang trabaho sa loob ng ECQ period.
Batay sa AO 43, ang budget para sa hazard pay para sa local government unit (LGU) workers ay magmumula sa 2021 local government funds, habang ang para sa government-owned and controlled corporations, ay popondohan ng bawat GOCC’s corporate operating budget para sa 2021.
Kapag nagkulang ang kani-kanilang pondo, ang LGUs at GOCCs ay pinapayagan bawasan ang ideal amount na P500 per day, pero mananatiling mandated na magbigay ng uniform amount ng hazard pay para sa lahat ng kalipikadong personnel, kabilang ang mga contractual at job order status.
Nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang Administrative Order 42 na nagpapahintulot sa patuloy na pagbibigay ng CoVid-19 special risk allowance sa public at private health workers. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …