INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, o NCR Plus, simula ngayon hanggang 15 Hunyo 2021.
Mananatili ang ilang restriksiyon sa NCR Plus na naglilimita sa kapasidad ng ilang industriya, batay sa kalatas ni Presidential Spokesman Harry Roque.
“Also under GCQ status from June 1 to June 30, 2021, are areas under the Cordillera Administrative Region, such as Abra, Baguio City, Kalinga, Mountain Province; Isabela, Nueva Vizcaya, and Quirino in Region 2; Batangas and Quezon in Region 4-A; Iligan City in Region 10, Davao City in Region 11, and Lanao del Sur and Cotabato City in BARMM,” ani Roque.
“The City of Santiago and Cagayan in Region 2; Apayao, Benguet, and Ifugao in the Cordillera Administrative Region; and Puerto Princesa in Region 4-B; Iloilo City in Region 6; and Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur and Zamboanga del Norte in Region 9; Cagayan de Oro City in Region 10; and Butuan City and Agusan del Sur in CARAGA shall be placed under modified enhanced community quarantine (MECQ) from June 1 to June 15, 2021.”
Ang lahat ng iba pang lugar sa bansa ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) simula ngayon hanggang 30 Hunyo 2021. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …