Saturday , November 16 2024

“Duterte don’t” sa tweet ng ‘Diyos’ (Sa planong ekstensiyon ng ambisyong politikal)

ni ROSE NOVENARIO
 
KUNG ang ruling PDP-Laban ay nagkumahog para magdaos ng council meeting para itulak si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 vice presidential bid, isang tweet lang ni ‘God’ ang naging tugon sa hirit na ‘divine intervention’ ng Punong Ehekutibo.
 
Nagpasa ng resolusyon ang PDP-Laban kahapon para kombinsihin ang party chairman na si Pangulong Duterte na tumakbong bise presidente sa 2022 sa isang national council meeting sa Cebu City sa kabila ng pagpalag ni party president Sen. Manny Pacquiao sa pagdaraos nito.
 
Sa resolusyon ay binigyan ng kapangyarihan si Duterte na pumili ng kanyang running mate o ang magiging standard bearer ng PDP-Laban sa 2022 presidential derby.
 
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinauubaya ni Pangulong Duterte sa Diyos ang pagpapasya kung tutuloy siya sa vice presidential bid sa 2022 national elections.
 
Hindi na kailangan hintayin ang 8 Oktubre 2021 para magpasya kung maghahain ng kanyang certificate of candidacy si Pangulong Duterte, kasunod ng pahayag ni Roque ay isang parody account na may username na @TheTweetOfGod ang sumagot ng isang salita sa ulat kaugnay sa isyu, “Don’t.”
 
Ang naturang tweet ay humakot ng halos sampung libong likes sa microblogging platform hanggang kagabi.
 
Ang account ay minamantina ni American comedy writer David Javerbaum na ginamit sa isang podcast na may titulong “Godcast.”
 
Si Javerbaum ay dating writer at producer ng “The Daily Show” at “The Late Late Show with James Corden.”
 
Kaugnay nito, sa isang hiwalay na kalatas ay inihayag ni PDP-Laban executive director Ronwald Munsayac na ang dumalo sa Cebu meeting ay lumabag sa mga patakaran ng partido.
 
“Since the PDP Laban chairman is not incapacitated, suspended, resigned or expelled from the party, the vice chairman cannot usurp the functions of the chairman found in Article XVI, Section 4 of the PDP Laban constitution. The vice chairman cannot call for a meeting of the national council, since only the real chairman can,” aniya.
 
Kamakalawa, sinabi ni Roque na inatasan ni Pangulong Duterte, bilang chairman ng PDP- Laban, si Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng partido, na iorganisa at pangunahan ang pagdaraos ng council meeting.
 
“Energy Secretary Alfonso Cusi as Vice Chairman of the ruling party PDP-Laban was directed by President Rodrigo Roa Duterte, who serves as Chairman, to organize, convene and preside over the council meeting,” ayon kay Roque.
 
“This move, which is part of the democratic exercise, aims to consult party members and have fruitful and productive exchanges on issues affecting PDP-Laban,” aniya.
 
Ilang political observers ang nagulat sa pahayag ng Pangulo lalo na’t ilang araw pa lamang ang nakalipas mula nang sabihin ni Cusi na rerepasohin ng Department of Energy (DoE) ang kontrata sa pagbili ni Duterte crony at Davao City based businessman Dennis Uy sa 45% shares ng Shell Philippines Exploration (SPEX) para sa operating interest ng Malampaya Gas Field sa Palawan.
 
Kapag pumasa sa review ng DoE ang kontrata ay magiging hawak na ng Udena Corporation ni Uy ang 90% operating interest sa Malampaya, 45% stake ng SPEX, at 45% interest ng Chevron Malampaya LLC sa gas field na binili ng negosyante noong 2019.
 
Ang resolusyon ng ruling political party ay nakikita ng political observers bilang pangunahing hakbang upang biguin ang ambisyon ni Pacquiao na maging standard bearer ng PDP-Laban sa 2022 presidential election.
 
Ilan sa malalapit sa Pangulo na lumutang bilang posibleng 2022 presidential bets ay sina presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *