Friday , May 16 2025

Zsa Zsa tuloy ang pagbili ng mga heritage house

SA piling ng kanyang pamilya sa Las Vegas, Nevada ipinagdiwang ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang kanysng kaarawan, kasama ang kanyang significant other na si Conrad Onglao. Fourty years ng naninirahan doon ang mga mahal sa buhay ni Zsa Zsa.

Itinaon na rin ito ni Zsa Zsa sa pagpapagamot sa kanyang mga iniindang sakit.

“I’m so blessed that Conrad decided to take me to the States to finally have my check up. I’m done with my MRI and all the tests I need. I’ve not only seen a nerve specialist but an OB gyn and had all the necessary tests I needed. The pain I was experiencing had something to do with my face and glad that I could manage it better with proper strengthening ab and lower back exercises. I’m also on new medication.”

Magkahiwalay silang bumalik ni Conrad sa bansa at sampung araw din siyang nag-quarantine sa isang magarang hotel!

Balik na siya soon sa ASAP at sa pribado niyang buhay sa kanyang Buhay ProbinZsa vlog,  itutuloy-tuloy pa rin nila ang planong pagbili ng mga 50 years old  na mga heritage houses sa Batangas at ililipat sa Quezon.

Yes, mala Las Casas de Acuzar sa Bataan ang peg!

Doon na rin niya bubuksan ang kanyang pangarap na restaurant.

Ang hiling ng Divine Diva sa kanyang kaarawan?

“Success na lang ng projects namin in Lucban!”

Looking young! Bagay na bagay ang blonde hair sa kanya ngayon.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *