Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon Cuneta binugbog ni Sen. Kiko dahil may young lover — Fake news (Pinagkakakitaan ng YouTubers)

LIVE from Los Angeles California along with her husband Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na naririto sa Filipinas kasama ang kanilang mga anak na sina Frankie, Miel, and Miguel, kapwa nagsalita ang mag-asawa sa kanilang social media account tungkol sa mga maling balita about them na kung ano-anong issue na lang ang ipinupukol sa kanila.

Tulad ng karelasyon raw ni Sharon ngayon ang leading man niya sa comeback movie na Revirginized na si Marco Gumabao na kanyang binigyan  ng mamahaling van, nabuntis siya ni Marco, at binubugbog ni Sen. Kiko kaya hayun umalis siya ng bansa nang solo.

“Pinagkakakitaan kami ng YouTubers na ‘yan na masama ang gawain sa kapwa. Well, ipinapasa-Diyos na lang namin ang lahat at alam naming may balik sa mga taong mga naninira sa amin lalo sa nananahimik kong mister na si Kiko.

“Wala kaming kinikita sa politika at walang porsiyento si Kiko, ang gusto lang niya magserbisyo sa kapwa,” sunod-sunod pang pahayag ni Mega na mabilis rin itinanggi na never siyang sinaktan ni Kiko at hindi totoo ang isyu na may lover siyang bata.

Si Sen. Kiko naman ay natatawang naiinis sa mga vlogger na imbentor at ayon sa kanya, totoo namang may sinasapak siya at binubugbog pero hindi si Sharon kundi ang lupa nila sa kanilang pag-aaring farm, na Sweet Spring Country Farm sa Alfonso, Cavite.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …