Saturday , November 16 2024

Bilib ni duterte kay JPE, wa epek sa plunder case

TULAK ng bibig, kabig ng dibdib.
 
Itinanggi ng Palasyo na magkakaroon ng epekto ang bilib ni Pangulong Rodrigo Duterte sa opinyon ni dating Senator Juan Ponce-Enrile sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) sa hirit ng dating senador sa Sandiganbayan na ibasura ang kaso niyang plunder.
 
Pero tila nagpahiwatig si Presidential Spokesman Harry Roque na dahil pansamantalang nakalalaya si Enrile sa bisa ng piyansa sa kasong plunder na isang non-bailable offense, maaaring senyales ito ng “appreciation” ng mga hukom kung malakas o hindi ang ebidensiya laban kay Enrile.
 
“Wala po, dahil in the first place out on bail po si Senator JPE at ang pagkakaalam ko po sa ating rules of criminal procedure kapag non-bailable and evidence of guilty is strong, hindi ka pupuwedeng makapag-bail. The fact na nakapag-bail po siya more or less signifies iyong appreciation ng mga hukom natin kung malakas o hindi ang ebidensiya laban kay Senator JPE,” tugon ni Roque kung may epekto ang bilib ni Duterte sa kahilingan ni Enrile sa anti-graft court na ibasura ang kaso niyang plunder.
 
Si Enrile ay pansamantalang pinalaya ng Korte Suprema sa bisa ng piyansa sa kasong plunder noong 2015 “for humanitarian consideration” bunsod ng kanyang edad at health condition.
 
Bukod sa plunder ay nahaharap din si Enrile sa 15 graft cases kaugnay sa pagkakasangkot sa umano’y pag-endoso sa kanyang P172 milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa bogus non-government organizations (NGOs) na pagmamay-ari ng tinaguriang pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.
 
Matatandaan noong Marso 2021 ay hiniling ni Enrile sa Sandiganbayan na ibasura ang kinakaharap na plunder case dahil hindi umano siya pinayagang magkomento o tumutol sa pre-trial order ng anti-graft court.
 
Iniharap ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People si Enrile noong nakaraang linggo at pinayohan siya ng dating senador na ituloy ang pakikipagmabutihan sa China at huwag intindihin ang mga kritisismo.
 
“Only history will judge you. And I think that history will judge you very well. If I were in your place I would have — I would have done the same thing. What else can a president of this country do under our present national circumstance?”
 
“You can shout, you can beat your breast, you can raise your fist. Without any backup, it’s just — that is just noise,” ani Enrile.
 
Ang mga payo ni Enrile kay Duterte ay taliwas sa kanyang iniakdang Senate Resolution No. 142 na sumusuporta sa paghahain ni dating Pangulong Benigno Aquino III ng arbitral case laban sa China noong 23 Enero 2013 na ipinasa ng Senado. (ROSE NOVENARIO)
 
 
 
 
 
 
 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *