ni ROSE NOVENARIO
INAASAM ng Malacañang na magkaroon ng 1,000 presidential candidates ang oposisyon na itatapat sa manok ng administrasyon sa 2022 elections.
“May there be a thousand candidates for the opposition,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque sa virtual press briefing kahapon.
Ang pahayag ni Roque ay tugon sa panawagan na unity ni Vice President Leni Robredo pagdating sa “iisang opposition standard bearer” sa 2022 national elections para mapalaki ang tsansang matalo ang pambato ng administrasyon.
Sinabi ni Robredo kamakalawa sa leadership forum na inorganisa ng Cambridge University Filipino Society, tanging isang “united front” laban sa administrasyon ay papalit ang isang state leader na kabaliktaran sa uri ng pamamahalang namamayani sa kasalukuyan.
“To have many candidates running in the elections will only ensure another six years of victory of another same kind of governance that last five years [have] given us,” sabi niya.
“And I’m not sure it’s in the best interest of the country, dagdag ng Bise-Presidente.
“Itinatag kamakailan ang 1Sambayan ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio bilang opposition coalition para sa 2022 elections.
Inamin ni Robredo na minamadali siyang magpasya kung lalahok sa 2022 presidential derby ngunit hindi pa siya makapagpasya habang pinag-aaralan niya ang ‘campaign feasibility.’
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …