ni ROSE NOVENARIO
IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu ng maaaring maging papel ng isang Duterte crony na nakakopo ng mga negosyo at puwedeng makaimpluwensya sa resulta ng 2022 national elections.
Sa kanyang talumpati sa Philippine Elections 2022: Concerns and Prospects ng Malaya Movement sa Toonto, Canada, nagpahayag ng pangamba si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na ang pagmamay-ari ni Dennis Uy sa TIM Corporation, ang Philippine partner ng Smartmatic ay malaking bentaha ng administration candidates laban sa opposition bets sa 2022 national elections.
Si Uy ay isang Davao City-based businessman, kilalang crony ni Pangulong Rodrigo Duterte, at nakapagtayo ng dagdag na 36 kompanya sa panahon ng kanyang administrasyon mula sa dating wala pang isang dosena bago maluklok sa Malacañang.
Tila ginamit ni Presidential Spokesman Harry Roque ang ‘red herring technique’ upang maiwasang sagutin ang usaping itinampok ni Sison hinggil kay Uy at inilihis ang isyu sa klasipikasyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) at iba pang bansa sa CPP bilang terrorist organization.
Ito ay tila pag-iwas na sagutin ang isyu ng posibilidad na makaimpluwensiya ang pagmamay-ari ni Uy sa TIM at pagkontrol niya sa Malampaya Gas Field sa Palawan sa resulta ng 2022 polls.
“Huwag nang pansinin ang CPP-NPA e binansagan na iyang terorista hindi lamang dito sa Filipinas kung hindi sa iba’t ibang parte ng daigdig. Kapag pinag-usapan pa natin ang mga sinasabi ng terorista, pinasisikat pa natin sila?” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual press briefing kahapon.
Naging suki sa ‘red herring technique’ si dating US President Donald Trump sa pagtawag na fake news sa mga ulat kaugnay sa kapalpakan at korupsiyon ng kanyang administrasyon upang ilihis ang atensiyon ng publiko sa kamalasadohan ng kanyang pamamahala at para sirain ang abilidad ng media bilang Fourth Estate, at bilang government watchdog.
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …