Sunday , November 17 2024

Nora at Vilma, ano ang pagkakaiba?

Inaamin ko, I was a Noranian first and it was only in the 90s when I was able to discover the sweetness of a Vilma Santos, the star for all seasons!
 
Wala naman akong masasabi kay Ate Guy. Mabait siya kahit na generic ang tawag niya sa press with her walang kamatayang ate at kuya. Hahahaha!
But somehow, parang napupuna kong kung kami na lang ni Ate Guy ang nasa presscon at nagkataong wala si Mr. Nestor Cuartero, parang hindi niya ako nakikita.
Hindi raw nakikita, o! Hahahahahahaha!
 
Parang lagus-lagusan ang kanyang tingin at parang hindi niya ako kilala.
 
Pero kapag naririyan naman si Mr. Cuartero ay parang malambing naman siya at feeling ko’y close siya sa amin.
 
Looking back, during the 80s, I was consistent with my extremely positive write-ups on Ms. Aunor.
But sad to say, hindi naman ako ang napuna ni Ate Guy. Hahahahahahaha!
 
Mega close siya noon kina Frank Mallo (SLN) at Rey Pumaloy na siyang laging pumupunta sa kanyang mansion sa P. Guevarra.
 
In fairness, there was a time naman na tumawag raw sa DWIZ (the radio station where we used to work before) at hinanap kami dahil maggi-guest si John Rendez sa aming show nina Peter Ledesma at Abe Paulite (SLN).
 
Unfortunately, I was not feeling well then so I was absent the day John promoted his album.
 
So, kilala naman pala kami ni Ate Guy pero sa mga presscon ay parang wala siyang nakikita maliban kung in attendance nga si Mr. Nestor Cuartero at inuudyukan siyang batiin kami. Hahahahahahaha!
 
Pagka ganiin, parang kay lambing-lambing ni Ate Guy at dumating pa nga sa puntong hiningi niya ang aming cell number.
 
Pero as always, kapag wala na naman si Mr. Cuartero sa presscon ay parang hindi na naman niya kami kilala.
 
Well, natanggap na naming parang hindi kami feel ni Nora kaya tumigil na kami sa pagta-trying hard.
Kung batiin niya kami sa presscon, fine. Kung hindi naman, okay lang!
 
Dito namin nai-compare ang pagkakaiba nila ni Ate Vi.
 
Sabi ng iba, plastik raw si Ate Vi at babatiin ka lang kapag may gamit ka.
 
Pero in all honesty, mas gusto na lang namin ‘yung pina-plastic raw kami kaysa naman sa parang walang nakikita at parang non-entity ka.
 
Parang non-entity raw talaga, o! Hahahahahahaha!
Mas tanggap na lang siguro namin ‘yung plastic raw na marunong namang bumati at magiliw kang kinakausap in the few occasions that you are thrown in each other’s company.
 
Si Ate Vi, in the few presscons that we were able to attend, wherein she was the lead actress, lagi na’y may ngiti sa kanyang mga labi sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Hindi ka maiilang na siya’y batiin dahil damang-dama mo ang kanyang sincerity at pagiging magiliw.
 
On a first name basis rin ang tawag niya sa press kaya maa-at ease ka at matutuwa sa kanya. This is not to say that I’m putting Ate Guy down in favor of praising Ate Vi.
 
No. That is not our intention.
 
Matagal ko nang natanggap na hindi siguro ako gusto ni Ate Guy kaya deadma ang treatment niya sa akin and would only change if Mr. Cuartero is around to remind her that I am a fan.
 
Wala naman akong bitterness dahil mas gusto ko na lang alalahanin ‘yung dialog niya sa isang pelikula nila ni Tirso Cruz na, “To see you from afar, is all my heart desires.”
 
Period.
 
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
 
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
 
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
 
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *