REREPASOHIN ng Department of Energy (DOE) ang pagbili sa Shell Philippines Exploration (SPEX) ni Uy.
“[O]nce the transaction has been completed at the consortium level, it will still be submitted to the DOE for its review and approval in accordance with Presidential Decree No. 87 (PD 87) otherwise known as the Oil Exploration and Development Act of 1972,” sabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Tiniyak ng kalihim na bubusisiin nang husto ng kagawaran ang naturang transaksiyon.
“The DOE will, accordingly and judiciously, evaluate the legal, financial, and technical aspects of the transaction, and its impact to the obligations of [the] consortium to the Philippine government according to the terms of SC 38 (Service Contract 38) and PD 87,” dagdag niya.
Nakatakdang mag-expire ang SC 38 o ang Malampaya gas-to-power project sa 2024 pero wala pang anunsiyo ang gobyerno kung palalawigin ang lisensiya.
Iimbestigahan din ng Senate energy committee ang naging transaksiyon ni Uy sa SPEX.
Batay sa DoE, ang Malampaya Gas Field ang “biggest and by far only the second commercial gas discovery in the Philippines to date.”
Nagtataglay ito ng “2.7 trillion cubic feet (TCF) of natural gas reserves and 85 million barrels of condensate, located some 3,000 meters below sea level.”
Sa Malampaya nagmumula ang supply ng natural gas sa limang power plants sa Luzon na pinanggagalingan ng 1/5 ng elektrisidad sa buong bansa. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …