Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd kay Elias — utang ko ang buhay ko sa kanya

SA interview kay John Lloyd Cruz sa radio show ni Caesar Soriano, sinabi niyang malaki ang kinalalaman ng anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto,2, sa pagbabago ng pananaw niya sa buhay. Si Elias din ang nagbibigay-saysay sa kanyang buhay.

Sabi ni John Lloyd, ”Anak ko talaga ‘yung ano ko… ‘yun ang teacher ko. Malaki ang papel niyon sa kung bakit ako ay nandito pa ngayon.

“Malaki talaga ang papel niya kung bakit bumabangon ka, nagsusumikap ka. Kaya, naku, talagang malaki ang utang na… utang ko… utang ko ang buhay ko sa anak ko.

“Kung wala ‘yung anak ko, baka wala na rin ako rito.”

Almost 4 years nawala sa sirkulasyon si Lloydie nang mag-indefinite leave siya. Namuhay siya sa Cebu na kasama rati si Ellen. Pero naghiwalay nga sila.

Bukod pa rito, maraming pinagdaanan ang aktor na inakala niyang hindi niya malalampasan.

Pakiramdam ba niya ay napalapit siya sa Panginoon?

“’Yun ‘yung essence niyon. Parang there’s no other way kundi mas mapalapit ka pa,” sagot ni Lloydie.

Sa ngayon, nagpa­pasalamat si Lloydie dahil luminaw ang pananaw niya sa buhay.

“Lagi na lang akong nagpa­pasalamat sa kung anong mayroon ka dahil nakikita mo na. Parang luminaw ba, ‘di ba?

“Wala na yung mga agam-agam mo o paghahangad sa kung ano ‘yung wala ka.

“Kasi mas sumimple lang naman. Ang laki ng isinimple ng lahat.

“Simple lang pala siya. Nagpaikot-ikot ka pa. Simple lang pala siya.

“Ayun, makita mo kung ano ‘yung mayroon ka at makita mo ‘yung halaga kung ano ‘yung mayroon ka.”

Samantala, kinompirma rin ni Lloydie ang pagbabalik-tambalan nila ni Bea Alonzo sa pelikula.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …