ni ROSE NOVENARIO
HALOS isang taon bago idaos ang 2022 national elections, napasakamay ng Duterte crony ang kontrol sa 1/5 supply ng elekstrisidad sa buong bansa.
Sa pinakahuling ulat, kontrolado na ng pamosong Duterte oligarch at Davao City-based businessman na si Dennis Uy ang Malampaya gas field sa Palawan.
Napaulat nitong nakaraang linggo, hawak na ng Udena Corporation ang 90% operating interest sa Malampaya matapos bilhin ang 45% stake ng Shell Philippines Exploration (SPEX) at 45% interest ng Chevron Malampaya LLC’s sa gas field noong 2019.
Ayon sa Department of Energy (DoE), ang Malampaya Gas Field ang “biggest and by far only the second commercial gas discovery in the Philippines to date.”
Nagtataglay ito ng “2.7 trillion cubic feet (TCF) of natural gas reserves and 85 million barrels of condensate, located some 3,000 meters below sea level.”
Sa Malampaya nagmumula ang supply ng natural gas sa limang power plants sa Luzon na pinanggagalingan ng 1/5 elektrisidad sa buong bansa.
Bukod sa Malampaya, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang 25-year franchise ng Dito Telecommunity ni Uy.
Sa panahon ng administrasyong Duterte ay naging third telecommunications player ang Dito.
Sa kanyang “Talk to the Troops” sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Jolo, Sulu noong 13 Hulyo 2020, sinabi ng Pangulo, “‘Yung kaibigan kong tumutulong, ‘pag yumaman ka nang yumaman, mas maligaya ako. Tutal ako, happy na ako sa buhay ko. But I want you to get rich. But we have to talk because there is so much that we can do business.
“Maraming mas big time pa na negosyo. If we can just, then they can participate in the… Tayo ang mag-usap. Kung yayaman ka riyan, mas maligaya ako. Kaibigan kita e,”aniya.
Mula nang maluklok si Duterte sa Malacañang ay nakapagtayo ng 36 kompanya si Uy.
Noong 2016 sumulpot ang Chelsea Logistics Holdings Corp.; Udenna investments BV; Davao Gulf Marine Services, Inc.; Trans-Asia Shipping Lines, Inc. (TASLI); Ocean Star Shipping Corp.; 6) Starsy Shoppe, Inc.; Dynamic Cuisine, Inc.; Quality Metal & Shipworks, Inc.; Chelsea Marine Manpower Resources, Inc. (CMMRI); KGLI-NM Holdings, Inc. (majority owner of Negros Navigation 2Go shipping Group) Taon 2017 nadagdag ang Udenna Infrastructure Corp.; Le Penseur Inc.; PH Travel and Leisure Holdings Corp.; Udenna Water Integrated Service Inc.; Valueleases Inc.; Clark Global City Corp. (177-hectare Global Gateway Logistics City in Clark); Aetos Air Philippines Inc.; Lapu-Lapu Leisure Inc. (casino); Donatela Hotel Panglao Corp.; Starlite Ferries Inc.; Worklink Services Inc.; Phoenix LPG Philippines Inc.; Duta Inc. (owner of Petronas LPG); Kaparangan Inc.; Enderun Colleges Inc.; ADF Enderun 1010 Inc.; Lapu-Lapu Land Corp.; Global Gateway Development Corp. (GGDC) (Cayman); GGDC Holdings Inc. (Cayman).
Ang Cayman firms ay ginamit sa kanyang P50.2 billion takeover sa Clark project mula sa Kuwaiti investors.
Noong 2018 Philippine FamilyMart CVS, Inc.; Joint venture with TIPCO Asphalt Public Company Limited (TIPCO Asphalt); Pos!ble.net, a digital payment startup (P72 million); Restaurant chain Conti’s Holdings Corp. (CHC); H2O Ventures Corp. (Calapan Waterworks Corp.); PXP Energy Corporation (formerly Philex Petroleum Corporation); Autostrada Motore Inc. (Philippine Ferrari distributor).
Bago naging pangulo si Duterte ay wala pang isang dosena ang kompanya ni Uy sa loob ng 20 taon niyang pagiging negosyante.