‘Third Eye’ idinisenyo ng estudyante para mag-text habang naglalakad
Kinalap ni Tracy Cabrera
NAKALIKHA ang isang industrial design student ng tinatawag niyang ‘third eye’ para sa mga taong ‘obsessed’ sa paggamit ng kanilang cellphone — at wika nga ng nakagamit na nito, “it’s an invention straight out of Black Mirror.”
Ang totoo, kung talagang naka-glue na ang inyong mga mata sa inyong mobile phone, marahil ay ikaw ang nasaisip ni Minwook Paeng nang likhain niya ang Third Eye. Inilalagay ang robotic prosthetic eye sa ulo ng user para maka-detect ng mga bagay na nakaharang habang naglalakad at nag-i-scrolling ng TikTok at DMs.
Kapag napayuko ang ulo ng maysuot ng Third Eye, awtomatikong nagbubukas ang talukap nito, at kapag naka-detect ng obstruction, tumutunog ito ng warning buzz para magawang manatili ng virtual-obsessed na naka-online kahit may mga hazard offline na maaaring makabalam o makaharang sa kanilang komunikasyon.
Na-develop ang device ni Paeng bilang bahagi ng kanyang Innovation Design Engineering degree sa Royal College of Art and Imperial College sa London, England. Ang naging tema rito ay ‘phono sapiens’ na nagsagawa ng satirical look kung gaano ka-attach ang mga modernong tao sa kanilang mga smartphone.
“The smartphone has permeated into modern life so deeply that it’s impossible to deny the evolution of phono sapiens,” ani Paeng sa panayam ng Dezeen.
Ipinunto rin ng imbentor kung paano nakaaapekto ang ating mga smartphone sa ating aktuwal na pangangatawan.
“By using smartphones in a bad posture, our neck vertebrae are leaning forward giving us ‘turtle neck syndrome’ and the pinkies we rest our phones on are bending along the way,” aniya.
“When a few generations go by, these small changes from smartphone usage will accumulate and create a completely different, new form of mankind,” dagdag ni Paeng.
Dito ay hindi nagkakamali ang designer ukol sa ‘turtle neck’ na tinatawag din ‘text’ o ‘tech’ neck. Ito’y kapag nakukuba ka na sa paggamit ng telepono para masira ang healthy posture. Bukod dito, dapat din mag-ingat sa smartphone finger, na nakaaapekto sa hinliliit at hinlalaki para ang mga tendon sa finger muscles ay magkaroon ng injury sanhi ng paulit-ulit na kilos, tulad ng swiping o paghawak sa cellphone.
“I hope that the act of ironically pointing out what we are doing with our smartphones can help people to take time for self-reflection,” pagtatapos ni Paeng.