Saturday , November 16 2024

‘Digital red-tagging’ black prop sa 2022 polls

ni ROSE NOVENARIO
 
‘NANGINGINIG’ sa takot sa popularidad nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Pasig City Mayor Victor Ma. Regis “Vico” Nubla Sotto ang ilang katunggali sa politika kaya’t ginawa silang poster boys sa kumakalat na ‘digital red-tagging.’
Pinalaganap sa social media ang ‘retokadong’ retrato nina Isko at Vico na kasama si Communist Party of the Philippine (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na may caption na: “Ang katibayan ni Joma Sison at sila Yorme Isko Moreno at si Yorme Vico Sotto, kayo na ang humusga kung anong koneksiyon nila kay Joma Sison.”
 
Isang nag-share sa Facebook ng pekeng larawan ang naglagay ng malaking ekis sa larawan nina Isko, Vico at Sison na may yellow at red background at may caption na: “Suportahan po natin ang mga kasapi ng CPP-NPA-NDF sa darating na halalan.”
 
Nabatid sa reverse image check na ginawa ng online news website interaksyon.com, sa orihinal na larawan, ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan at hindi si Sison ang kasama sa larawan ng dalawang alkalde na inilathala ng official website ng Manila City government noong 20 Hulyo 2019 na may caption, “Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso poses for a photo with Pasig City Mayor Vico Sotto and businessman Manny V. Pangilinan after the MVP Superhero Fun Run.”
 
Nagsagawa rin ng fact-check ang Agence France-Presse sa naturang retrato at sinabing ang sirkulasyon ng pekeng larawan ay bahagi ng online red-tagging sa mga lantarang kritiko, mamamahayag, at ilang politiko na inaakusahang bilang rebeldeng komunista nang walang basehan.
 
“The image circulated online amid a torrent of misinformation that has put activists, journalists, politicians, and lawyers in the firing line as President Rodrigo Duterte’s government and military out alleged supporters of a decades-old communist insurgency,” ayon sa ulat.
 
Kamakailan ay tinuligsa ni Isko ang ‘super slow distribution” ng CoVid-19 vaccine ng national government.
 
“Iyong milyon-milyong bakuna na nailathala sa diyaryo, wala pong dumarating sa amin. Remember, Manila is one of the densest cities in terms of population per square kilometer. Hindi ko alam kung pinatutubuan pa nila sa kanilang refrigerator itong mga bakunang ito,” sabi ni Isko sa isang online briefing.
 
 
Habang si Vico ay pinuntirya noong nakaraang taon ng Palasyo nang pinayagan noong 17 Marso 2020 ang mga tricycle na magamit na service ng health workers sa Pasig City sa kabila ng total public transport ban na ipinatupad ng IATF.
 
Pinaimbestigahan sa National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act si Vico ngunit katuwiran ng alkalde, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas noong 25 Marso 2020 kaya wala siyang ginawang ilegal.
 
Ilang beses lumabas ang pangalan ni Isko sa survey sa posibleng maging 2022 presidential candidate habang ang anti-corruption campaign ni Vico sa Pasig City ay umani ng papuri hanggang sa Amerika.
 
Itinanghal ng US State Department si Vico bilang bukod tanging Filpino na napili sa 12 mula sa buong mundo bilang ‘anti-corruption champions” noong nakaraang Pebrero.
 
Inilarawan si Vico ng US State Department sa isang kalatas bilang “a standard-bearer for a new generation of Philippine politicians who prioritize anticorruption and transparency initiatives in their election campaigns and in office.”

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *