Saturday , November 16 2024
duterte china Philippines

Gabinete binusalan sa WPS issue

PINAGBAWALAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na pag-usapan sa publiko ang isyu ng pangangamkam ng China sa West Philippine Sea (WPS) maliban kina Presidential Spokesman Harry Roque at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.
 
Nang tanungin si Roque kung kasama sa gag order si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nag-utos na palayasin ang Chinese ships mula sa WPS, ang tugon ni Roque, “I think the President’s message was clear, and I don’t have to interpret it.”
 
Iyan din ang sagot ni Roque, nang usisain kung maging ang National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) ay kasama sa gag order gayong regular na naglalabas ng mga kalatas at mga larawan hinggil sa pananatili ng Chinese ships sa exclusive economic zone.
 
“The instruction of the President was clear… that only the secretary of Foreign Affairs and myself can speak on the issue now,” sabi ni Roque.
 
“Although there is transparency, an exception to transparency are diplomatic communications and inputs that form the basis of diplomatic communications,” ani Roque.
 
“We need to allow the executive branch to make the correct decision no matter what,” aniya.
 
Sa kabila ng hindi pagkilala ng Beijing sa 2016 arbitral ruling na nagbasura sa “historical” claims nito sa South China Sea, hindi gumalaw si Pangulong Duterte para igiit sa China sa nakalipas na limang taong.
 
Umani ng batikos ang pagtawag ni Duterte na isang pirasong papel na puwedeng itapon sa basurahan ang arbitral victory ng Filipinas kontra China. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *