ni Rose Novenario
KAILANGAN magpabakuna muna kontra CoVid-19 ang isang benepisaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) bago makatanggap ng ayuda sa gobyerno.
Iminungkahi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Talk to the People kamakalawa ng gabi.
Katuwiran ni Roque, malaki pa rin ang porsiyento ng populasyon sa bansa na ayaw magpabakuna kaya dapat gawing kondisyon ang pagpapabakuna bago bigyan ng ayuda ang benepisaryo sa human development program ng pamahalaan.
Ang suhestiyon ay inihayag ni Roque matapos sabihin ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na sisimulan ang pagbabakuna sa mahihirao sa huling linggo ng kasalukuyang buwan.
“Siguro puwede natin pag-aralan na isama natin sa kondisyon para sa 4Ps program ay ‘yung pagbabakuna dahil ang daming nakikinabang sa programa na ‘yan at kapag naisama sa condition na ‘yan ay maraming mababakunahan lalo na sa hanay ng mahihirap,” ayon kay Roque.
Puwede rin aniyang gawin ito sa mga susunod na tatanggap ng ayudang social amelioration program (SAP) kapag lumusot ang Bayanihan 3 law.
Sa kabila nito’y inilinaw ni Roque na mananatiling boluntaryo ang pagpapabakuna pero gagawing kondisyon kung gusto nilang tumanggap ng ayuda mula sa gobyerno.
“Kung mayroon tayong future ayuda, siguro ‘yung mga makatatanggap din ng ayuda ikakabit na natin doon sa pagbabakuna nang masigurado na mas marami sa ating mga kababayan ang mabakunahan,” aniya.
“Ito naman ay boluntaryo pa rin, hindi natin sila pinipilit kumbaga magiging kondiyson kung gusto nilang makatanggap ng ayuda,” dagdag ni Roque.
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG
ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …