Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden focus muna kay Jasmine; movie kay Bea saka na

NAG-SCRIPT reading na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez noong Mayo 15 para sa Kapuso primetime series na The World Between Us.

Ipinost ito ng GMA Network senior program manager na si Anthony Pastorpide noong Sabado ng gabi sa Facebook na ang script reading session ay dinaluhan din nina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, at Direk Dominic Zapata.

Ayon kay Pastorpide, nagkaroon na ng script reading sessions before ang cast. Nasa final preparations na sila sa safety protocols para sa umpisa ng lock-in shooting sa Mayo 18, Martes.

Kinompirma ni Pastorpide na kasama rin sa cast ng The World Between Us si Glydel Mercado, pero nilinaw niyang wala sa cast si Cherie Gil.

May lumutang kasing tsismis noon na kinukuha si Cherie para sa seryeng ito.

Sa serye muna magpo-focus si Alden dahil medyo matatagalan pang simulan ang pelikula nila ni Bea Alonzo na A Moment To Remember. May balitang bandang August pa sila magsisimula dahil mahirap pa talagang mag-shoot ngayon. May kahigpitan pa sa safety and health protocols.

Sana, by that time, humuhupa na ang COVID cases at magbubukas na ang mga sinehan.

May mga nag-iisip ngang baka Kapuso na si Bea by the time na gawin niya ang first ever movie with Alden.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …