PANAHON na naman ng pagsusuri kung paano ginastos ang pera ng bayan kaya’t may ilang opisyal at empleyado ng gobyerno ang umiikot ang puwet at hindi makatulog kapag nabisto ang pondong nadispalko.
Sumugod noong nakalipas na Biyernes ang chief of staff ng isang mambabatas sa isang attached agency ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil ‘inahabol’ umano siya sa mahigit P13 milyong ‘unliquidated funds’ na ginamit noong Philippine chairmanship ng 2017 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Nabatid sa source, nagulat ang lahat nang dumating ang COS ng lawmaker at galit na galit na pinagmumura ang mga dinatnang empleyado sa ahensiya noong nakaraang Biyernes nang mabatid na hindi umano siya ‘pinagtakpan’ sa iniwan niyang mahigit trese milyones unliquidated funds bilang dating opisyal nila.
Pinagbantaan pa umano silang ipatatanggal ng COS ng lawmaker sa trabaho dahil nabisto ng Komisyon ng Pagsusuri na makalipas ang tatlong taon ay hindi pa rin sapat ang mga kaukulang dokumento para bigyang katuwiran ang mahigit P13 milyong ‘dumaan’ sa kanyang mga palad.
Idinagdag ng source, kaya mayabang ang dati nilang opisyal dahil ipinagmamalaki na nakasandal siya sa pader na ‘’mala-Great Wall of China’ sa tibay.
Nakapaloob din umano sa halagang ito ang ultimo parking fee sa mga lugar na pinuntahan niya kasama ang kanyang ‘bebot’ na ikinarga sa kaban ng bayan.
Sa takot umano ng isang miyembro ng gabinete sa impluwensiya ng COS ng lawmaker ay inutusan niya ang mga tauhan na ‘tulungan’ para malusutan ang nakaambang ‘disallowance’ sa mahigit trese milyones na unliquidated funds.
Kapag nag-isyu ng notice of disallowance ang Komisyon sa isang ahensiya o opisyal ng gobyerno, obligadong ibalik sa kaban ng bayan ang pondo at ito umano ang ikinatatakot ng COS ng lawmaker.
Clue: Mahilig magmalasakit at galit daw sa korapsyon ang amo ngayon ng hinahabol sa trese milyones. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …