Friday , April 4 2025
COVID-19 lockdown bubble

Kahit GCQ sa NCR plus, may restriksiyon pa rin

WALANG dapat ipagdiwang sa ‘pagluwag’ ng quarantine classification mula 15-31 Mayo sa NCR Plus.
 
Batay sa inaprobahang general community quarantine with heightened restrictions sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, essential travel papasok at palabas sa mga naturang lugar ang pahihintulutan.
 
“Public transportation shall remain operational at such capacities and protocols in accordance with the Department of Transportation guidelines while the use of active transportation shall be promoted,” ayon sa kalatas ni Presidential Spokesman Harry Roque.
 
Lahat ng indoor dine-in services sa NCR Plus ay papayagan ang 20% venue o seating capacity habang ang outdoor o al fresco dining ay 50% venue o seating capacity.
 
Puwedeng buksan ang outdoor tourist attractions sa NCR Plus sa 30% capacity na may mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards with strict adherence to minimum public health standards.
 
Pinapayagan ang religious gatherings at lamay sa mga nasawi pero hindi dahil sa CoVid-19 sa NCR Plus sa 10% ng venue capacity.
 
Patuloy rin na pinapayagan ang “non-contact sports in outdoor contact sports, games, scrimmages, and personal care services that allow for services not requiring mask removal, such as salons, parlors, beauty clinics, etc at 30% capacity.”
 
Puwede nang lumabas ng bahay ang eda 18-65 anyos.
 
“Meanwhile, entertainment venues, such as bars, concert halls, theaters, etc.;recreational venues, such as internet cafes, billiards halls, arcades, etc; amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts and venues and indoor tourist attractions; venues for meetings, conferences, exhibitions shall not be allowed in GCQ areas with heightened restrictions.
 
Interzonal travel from NCR Plus areas, except those conducted by Authorized Persons Outside Residence (APORs), shall remain prohibited in GCQ areas with heightened restrictions.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *