ISASAPUBLIKO ng Anti-Terrorism Council (ATC) ngayon ang listahan ng mga pangalan ng mga indibiduwal na itinuturing ng gobyerno bilang terorista.
Inihayag ito kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., sa kanyang pagharap sa oral arguments sa Korte Suprema kaugnay ng mga petisyong ipawalang bisa ang Anti-Terrorism Act ( ATA).
“There is a resolution of the Anti-Terrorism Council but until we have published this in local papers we will not name them publicly,” sagot ni Esperon sa tanong ni Associate Justice Rosmari Carandang kaugnay sa mga pinaghihinalaang terorista.
“Tomorrow they will come out in the papers,” giit niya.
Nakasaad sa implementing rules and regulations ng ATA na maglalabas ng resolution ang ATC na tutukoy sa mga indibidwal o mga grupo bilang mga terorista na ilalathala sa website ng council, sa Official Gazette, at sa isang national newspaper.
Umani ng batikos ang nasabing probisyon at tinagurian itong “mother of all red-tagging” o pag-uugnay sa mga tao at grupo sa kilusang komunista.
May ilang pagkakataon na pinatay ang mga aktibista at human rights worker sa bansa matapos ma-red-tag.
Sa ilang pagharap ng mga kinatawan ng Office of the Solicitor General sa oral arguments, itinanggi na sangkot sa red-tagging ang pamahalaan.
Ngunit ilang beses nang binatikos ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa red-tagging at ang pinakahuli ay kay community pantry organizer Ana Patricia Non na ikinagalit ng iba’t ibang sektor at maging ng mga senador. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …