Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Ngayong Hunyo Rosanna Roces nasa podcast na

MASAYANG ikinuwento sa amin ng kaibigan nating aktres na si Rosanna Roces ang isang masayang balita.
 
Nang aming maka-chat kahapon si Osang, sinabi nga niyang aside sa mga gagawin pang pelikula sa Viva Films ay nakatakda na rin umpisahan ang kanyang
iho-host na podcast na magsisimula sa darating na Hunyo.
 
At excited si Osang dahil muli niyang babalikan ang pagiging host at mapapanood ang kanyang podcast sa Spotify. Ilan sa mga kilalang artista at TV Personality ay nasa podcast na rin tulad ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda.
 
Well, with her wittiness and being straightforward plus her fans na naririyan pa rin, siguradong papatok si Osang sa digital show niyang ito.
 
“Pre-taped itong Podcast ko. Ire-review din ng lawyers bago i-upload,” say ni Osang.
 
Yes alam n’yo namang walang preno
pagdating sa kanyang mga opinyon si Osang at kilala siya sa pagiging prangka kaya para iwas libel dapat munang i-screen ang mga gagawing episodes at agree naman dito ang Viva actress.
 
Ibinalita rin ni Osang na ipapalabas na this July sa Vivamax ang movie nila ng BFF ngayong si Sharon
Cuneta na Revirginized. Touched pala si Osang sa advanced birthday gift sa kanya ni Shawie, na personalized Christian Dior Bag.
 
Yes tulad ng inyong columnist ay May celebrant rin si Osang na malapit na rin mag-shoot ng part 2 ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na si Darryl Yap
ang director.
 
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …