KUNG ang mga previous
concerts ni Vice
Ganda ay may mga live audience, sa Gandemic Vice Ganda:The VG-tal Concert niya sa July 17, 9:00 p.m. ay wala. Via online kasi ito at bawal pa ang mass gathering.
Bilang paghahanda at dahil first time sumalang sa ganitong klase ng concert, pinanood ni Vice ang digital concerts nina Sarah Geronimo, Regine Velasquez, at Daniel Padilla.
Ani Vice sa digital mediacon para sa kanyang concert na ginanap noong Friday ng hapon, ”Talagang pinanood ko ‘yung mga recent concert nina Daniel, Regine, Sarah kasi wala akong idea how these digital concert happens. Wala akong idea kung paano ginagawa itong mga digital concert. May conscious effort ako na manood at bantayan ‘yung ganap para may idea ako.”
Pero masasabi naman ni Vice na ‘yung concert niya ay kakaiba kompara sa mga digital concert nina Daniel, Sarah, at Regine.
“‘Yung show ko naman is different, very different from the concerts of singers. Kasi, hindi naman talaga ‘yon ang strength ko. Hindi ako super sing, hindi naman ako super dance.”
Ayon pa kay Vice, hindi magsisisi ang mga magbabalak manood ng kanyang concert dahil siguradong mag-i-enjoy ang mga ito.
“Ang bentahe nitong concert ko, musical siya, may mga kanta, may mga saya, pero ang 90 percent niya is comedy. Na ‘yon ang hindi kine-cater ng ibang concerts or performances or events ng karamihan. Kasi mostly, they are singers, they sing, they do beautiful production numbers, pero hindi sila nagpapatawa. Ang magpapatawa, kung mayroon silang komedyante na guests, very minimal ‘yung comic relief.
“Ito talaga, not so much of the songs and the dances, kasi ibinibigay na ng iba ‘yon. Ako, ibibigay ko ang strength ko, super patawa, at ‘yun ang gusto ko i-make sure talaga. Kailangan grabeng patawa ito dahil ito ‘yung kailangan nila, ‘di ba?”
Ang ticket prices sa Gandemic ay P1000 regular at P1500 VIP. Tickets are available now on http://bit.ly/Gandemic.
MA at PA
ni Rommel Placente