Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chynna Ortaleza, ang ina na natuto sa anak

TOTOO na may matututunan din ang mga magulang mula sa kanilang mga anak.

Masasabing ganyan ang nangyari kay Chynna Ortaleza.

Nagka-nervous breakdown si Chynna ng tatlong oras kamakailan. Inamin niya mismo ito sa isang  Instagram post n’ya na ang talagang layunin ay ipagtapat kung ano ang naging reaksiyon ng panganay n’yang  si Stellar  na five years old.

Bagama’t ‘di na idinetalye ng misis ng singer-actor na si Kean Cipriano kung ano-ano ang mga ginawa at sinabi n’ya sa nangyari (pero halos siguradong kasama roon ang pag-iyak na parang walang dahilan), inamin n’yang na-impress siya sa isang pangungusap ni Stellar matapos masaksihan ng paslit ang nervous breakdown n’ya.

Actually, depression sa mga pangyayaring dulot ng parang ‘di nasasawatang Covid-19 ang nag-trigger ng nervous breakdown kay Chynna.

“God is already at work. Why are you scared?”

‘Yan ang pahayag ng paslit sa kanyang 34 years old na ina pagkatapos ng nervous breakdown.

Sa Instagram post ni Chynna, in-imply n’yang posibleng sa kanilang mag-asawa rin naman natutuhan ni Stellar ang pangungusap na ‘yon. Kumbaga ay ipinalala lang sa kanila ‘yon ng paslit.

Saad ni Chynna sa Instagram post n’ya: ”That’s when I felt that we must be doing something right at home, Kean and I. This five-year-old girl has wisdom in her.”

Sa unang bahagi ng post na ‘yon ni Chynna, nabanggit n’yang ‘di nila tinatrato ni Kean na parang batang ‘di pa nakauunawa si Stellar. Kinakausap nila ito ng maayos na parang adult na rin. At ‘di rin naman nila pinipilit ang bata na makipag-usap sa kanila kung sa tantya nila ay ‘di pa handa.

Natatandaan ng mga bata ang sinasabi sa kanila nang maayos ng mga magulang nila. At parang mas handa ang mga bata na isabuhay ang mga itinuturo sa kanila kaysa mga mismong nagtuturo sa kanila.

Totoo naman na ”God is already worked. Why are you scared?”

Kulang pa sa taon si Stellar. Pero parang buo na, sapat na, ang pananalig n’ya sa Diyos.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …