ni ROSE NOVENARIO
LABING ANIM na milyong Pinoy ang ‘nagoyo’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kuwentong barbero na sasakay siya sa jetski upang itirik ang bandila ng Filipinas sa Scarborough Shoal noong 2016 presidential debate.
Ikinumpisal ni Pangulong Duterte ang panloloko sa mga Filipino kagabi sa kanyang televised public address sa Davao City.
Tinawag ng Pangulo na mga tanga ang mga naniwala sa kanyang pagyayabang noong 2016 presidential debate na hihilingin niya sa Philippine Navy na ihatid siya sa boundary ng Spratlys upang sumakay ng jet ski tangan ang Philippine flag at pupunta sa airport na itinayo ng China sa isla upang itirik ang PH flag.
“This is ours. Do what you want with me,” sasabihin daw niya sa China.
“Matagal ko nang ambisyon na maging hero ako. Kung pinatay nila ako doon, bahala na kayo umiyak dito sa Filipinas,” pagmamalaki niya noong 2016 presidential debate.
Ngunit kagabi o isang taon bago ihalal ang kapalit niya sa Palasyo, inamin niyang nagsinungaling siya sa 2016 presidential debate.
“Alam mo panahon ng kampanya ‘yun. ‘Di yata sanay itong mga g*** sa style ko sa kampanya… Nagyabang ako pupunta ako sa Spratly, magdala ako ng flag, sakay ako ng jetski. Nagplano ako niyan.
“Panahon ng kampanya ‘yan… ‘yung biro na ‘yun, they call it bravado, ‘yung bravado ko, pure campaign joke… at kung naniniwala kayo sa kabila, I would say you are really stupid,” natatawang wika ng Pangulo kagabi.
Naniniwala ang ilang political observers na ginamit ni Pangulong Duterte bilang ‘damage control’ ang pag-amin na joke lang ang jet ski issue matapos ulanin ng batikos sa kanyang pag-atras sa hamon niyang debate kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
Nag-trending sa Twitter ang #DuterteDuwag kasunod ng kanyang pag-atras sa debate noong Sabado.
Nauna rito’y itinanggi niya na may ipinangako siya noong 2016 kaugnay sa pangangamkam ng China sa West Philippine Sea (WPS).
“I never, never, in my campaign as President, promise the people that I would re-take the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China,” aniya sa kanyang Talk to the People noong 3 Mayo 2021.
“I never promised anything. Just because I’m President, gusto n’yong makipag-away ako,” dagdag niya.
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …