Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Barangay chairman todas sa tambang (Sa Cagayan)

PATAY ang isang barangay chairman nang tambangan ang kanyang sinasakyan pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Remebella, bayan ng Buguey, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng hapon, 8 Mayo.

Kinilala ni P/SMSgt. Arnel Tamanu, imbesti­gador, ang biktimang si Renante Ritarita, 46 anyos, negosyante at barangay chairman ng Brgy. Fula, sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon, pauwi sa kanilang bahay ang biktima sakay ng kanyang mini-dump truck dakong hapon matapos maghatid ng lupang panambak sa isang Cesar Dumlao, nang harangin at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaking nakasuot ng facemask.

Agad binawian ng buhay ang biktima dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, habang tumakas ang mga suspek patungo sa national highway sakay ng kulay abong Toyota Fortuner, walang plaka.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang 16 basyo ng bala ng M16 rifle.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng gun-for-hire group na sangkot din sa ilegal na droga.

Inalerto na rin ang mga kalapit na himpilan ng pulisya upang mag­sagawa ng checkpoint para sa agarang pag­kakadakip sa mga suspek.

Tintingnang posibleng motibo sa pamamaslang ang matagal ng alitan sa lupa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …