Saturday , November 16 2024
Face Shield Face mask IATF

Hirit na kulong kapag walang suot na face mask, HR violation

MAAARING magbigay daan sa paglabag sa karapatang pantao ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestohin, ikulong, at sampahan ng kaso ang mga wala o mali ang pagsusuot ng face mask kapag nasa pampublikong lugar.
 
“Now itong mask, iyong iba ano lang for compliance lang. Naglalagay ng mask pero nakalabas ‘yong ilong. My orders to the police are those who are not wearing their masks properly in order to protect the public — kasi kung hindi, hindi mo madepensahan ‘yong publiko — to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it. You have nine hours. I-detain mo tapos imbestigahin mo siya kung bakit ganoon ang behavior nila. Pagka hindi ko ganonin, hindi ko kayo higpitan, walang mangyayari. Iyan nga ‘yong for compliance lang kayo,” sabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.
 
Sa isang banda, nangamba ang Commission on Human Rights (CHR) na maabuso ang naturang kautusan ng Pangulo dahil walang malinaw na patakaran.
 
“In the absence of clear guideline, we are concerned that such directive may be prone to excessive discretion and abuse. We may be in quarantine due to the pandemic, but rights should not be on lockdown,” pahayag ni Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR.
 
Para kay dating CHR Chairperson Etta Rosales, hindi krimen ang hindi pagsusuot ng face mask o maling paggamit nito , batay sa Revised Penal Code.
 
Sa katunayan, posibleng makasuhan pa ang arresting officer kapag sinunod si Duterte dahil ginagampanan niya ang isang tungkulin na wala siyang kapangyarihang awin.
 
“You arrest unlawfully a citizen then you commit an unlawful act of depriving him of his fundamental right, so that is a basic violation of human rights. The law enforcer usurps the authority that he is not entitled to,” aniya sa Frontline Pilipinas sa TV5 kagabi.
 
Mananagot din aniya si Pangulong Duterte dahil sa utos na ito katumbas ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
 
“Parang ang ginagawa ni Duterte, mag-commit kayo ng crime, ‘di ba? You violate your own mandate, bakit n’yo gagawin ‘yun? So he is also liable. The police officer should not allowed himself to be unduly influenced, forced or coerced to commit a crime that is violative of its own mandate,” ani Rosales.
 
Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangan ay ayon sa ordinansa ng isang siyudad o munisipalidad ang magiging pag-aresto
 
“So iyong pag-aresto naman po, dapat po sang-ayon po iyan sa ordinansa o sang-ayon sa batas. Kung wala pong ordinansa ay nakasaad naman po sa Revised Penal Code ‘no na maximum of 12 hours ‘no at kung hindi makasohan ay kinakailangan pawalan,” giit ni Roque.
 
“Pero ang mensahe po ng Presidente sa ating (ka)pulisya(n) at sa taongbayan, para po sa ating kapakanan ang pagsunod sa minimum health standards at ipatutupad lang po natin iyan, dahil sa panahon ng pandemya ay kinakailangan pong sumunod ang lahat lalong-lalo na po sa pagsusuot ng facemask at face shield,” dagdag ni Roque.
 
Ngunit maging si Pangulong Duterte ay hindi rin ginawa ang kanyang kautusan ngayon sa mga mamamayan dahil ilang beses na hindi nagsuot o inalis ang suot na face mask sa kanyang pagharap sa publiko gaya noong 24 Pebrero 2021
 
“Ako naman, I’ve been criticized. Tama kayo na “ito si Duterte nagsasalita hindi naman sinusunod.” Tama kayo. “Na hindi naman nagma-mask.” Tama kayo. E hindi ho ako holdupper na sanay magsalita nitong naka — kaya tinatanggal ko,” sabi ni Duterte.
 
“Now, I run the risk of baka ako madale rin. A may vice president man, siya na ang susunod. Wala tayong magawa,” aniya.
 
Noong Nobyembre 2020, tinanggal ng Pangulo ang kanyang facemask nang bumisita sa mga sinalanta ng bagyong Rolly sa Albay. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *