Friday , November 15 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Wala sa hulog

SA EDAD 96 anyos, maituturing si F. Sioníl Jose na ang pinakamatandang manunulat na Filipino na nabubuhay ngayon. Tanyag si Jose sa mga isinulat niyang nobela at maikling kwento sa Ingles. Isang paligo lang, kapantay niya ang mga lodi kong Nick Joaquin, Alejandro Roces, at Manuel Arguilla. Aaminin ko isa ako sa tagahanga niya.
 
Nang sinabi niya na ang pamumuno ni Rodrigo Duterte ay katulad ng pamumuno ng yumaong pangulong Ramon Magsaysay, napailing ako at halos nabasag ang kamao ko nang napasuntok ako sa pinto ng ref. Aniya: “Now, here is a forecast worth betting on. It may turn out that for all his vulgar language, Rodrigo Roa Duterte may yet be, next to Magsaysay, the best president we ever had. All the criticisms considered just remember this: the country is far safer now than any other time.”
Ano ang nangyari? Lihis sa tema at karakter ng kanyang mga isinusulat, naglabas ng ganitong pananalita? Magkaibang magkaiba si Duterte at Magsaysay. Ang isa ay sinikap na bigyan ang mga Filipino ng marangal na buhay, samatala ang isa, ay inilubog ang sambayanan sa lusak ng pighati.
 
Kahit intindihin natin na ang F. Sioníl Jose ay maka-Duterte, wala sa hulog ang sinabi niya. Dahil ang sinabi niya ay kasangkapan ng sumasang-ayon sa polisya at pamamalakad ng rehimeng pinili niyang kampihan. Bagaman, hindi ko maaalis sa isipan ko na ang dating manunulat na iniidolo ko ay hindi maglalabas ng statement na ganito.
 
Pero si F. Sioníl Jose ay 96 anyos na. Sa edad niya, madaling bilugin ang kanyang kukote. Hindi ako magtataka kung may ibang kamay na nagmamanipula para magsabi na halos pantay na sila ng paligo ni Ramon Magsaysay.
 
Tutuldukan ko na ito at iiwan ko ang sinabi ni Sarge Lacuesta, isa pang premyadong manunulat sa larangan ng pang-aaklat at patalastas: “As a member of the Board of the Philippine Center of International PEN, I do NOT support the views shared by Philippine PEN founder F. Sionil Jose, especially in his column for the Philippine Star dated May 3, 2021, considering “Duterte as the best president after Magsaysay.”
 
Si Sarge Lacuesta ay isang manunulat at creative director na nakatanggap ng iba’t ibang gawad sa pagsusulat.
 
***
 
Noong Lunes, ginunita natin ang World Press Freedom Day at nagbigay ng pahayag si Mr. Duterte: “Let me assure everyone that this administration will remain committed in promoting press freedom as a vital component and indicator of progress anywhere in the world.”
 
Ito ay kabaligtaran ng pahayag niya noon na ang mga mamamahayag ay mga “legitimate assassination targets.”
 
Sa administrasyon ni Duterte, marami ang mamamahayag na pinatay nang walang habas, kaya ang Amnesty international (AI) ay nagsabi na ang Filipinas ay isa sa mga lugar na mapanganib para sa mamamahayag.
Noong Lunes din iginawad ang UNESCO Guillermo Cano World Press kay Rappler CEO Maria Ressa. Si Guillermo Cano ay isang mamamahayag na Columbiano na pinatay noong 1986 sa Bogotá, Columbia at sa kanya ipinangalan ang prestihiyosong premyong ito.
 
Ito ang bahagi ng talumpati ni Maria Ressa sa pagtanggap niya ng Guillermo Cano World Press Freeom Prize: “Those with power and money must choose. Ask yourselves this question: Who are you? What do you stand for? What kind of world do you want in the next decade? The more you have the more you must risk, because silence is complicity.”
 
Ang pamamahayag sa panahon ni Duterte ay lubhang mapanganib. Sumasaludo ako sa mga tagapagtanggol at naninindigan dito.
 
***
 
MGA PILING SALITA: “Esperon, sinungaling ka. ‘Yung 7 or 8 ARTIFICIAL ISLANDS na illegal na ginawa ng Tsina sa Spratlys bilang unauthorized military bases ay NINAKAW ng Tsina sa Filipinas. WINASAK ng Tsina ang MARINE ECOLOGY ng West Philippine Sea. TINOTOKHANG ng Tsina sa GUTOM ang mga MANGINGISDANG Filipino. Isa kang TUTA at AHENTE ng Tsina, kagaya ng amo mong si Duterte. Mga TRAYDOR kayo sa bayan.” Manuel Laserna Jr.
 
“Warships of the US, France, Britain, Australia, Japan, European Union, and India are in the South China Sea. If China miscalculates, you’ll never know. The eastern part of China is very vulnerable. Its industries are there. They are within striking distance of those warships… China can’t afford to be arrogant… It should know how to be humble without necessarily surrendering its sense of honor… Those countries would not forgive China for being a rogue state… They would not allow China to become a global power and a threat to global peace… China has hardly a way to fight back… Its war experience is very limited to the 1951 Korean War and border clashes in Russia, Vietnam, and India. It has no war theories and doctrines to rely. Kapag pinagtulungan ang China, luluhod iyan… In two weeks, luluhod iyan… It can’t sustain a war of attrition …” – PL, netizen
 
***
 
Nagsalita naman at umani ulit ng sangkaterbang alipusta itong si Robin Padilla mula sa mga netizen partikular sa alumni ng La Salle nang sinabi niyang ang eskwelahan ng La Salle ay itinatag ng mga Kastila. Para sa kaalaman nating lahat, ang La Salle, na ngayon ay De La Salle University, isang ganap na pamantasan ay itinatag noong 1911 ng Brothers of the Christian Schools FSC, na sa Latin ay Fratres Scholarum Christianarum. Ang kongregasyon ay tinatag noong 1680 ni Jean-Baptiste de La Salle sa Rheims, Pransya.
 
Sa huling sulyap ko sa mapa, bagaman magkadikit sila, ang bansang Pransya ay ibang-iba sa bansang Espanya.
 
TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *