Wednesday , May 14 2025

Ricky Lo pumanaw sa edad 75

SINASABING heart attack
ang dahilan ng biglang
pagyao ng pinakasikat na entertainment editor-columnist sa bansa, si Ricky Lo noong Martes ng gabi.

Sumakabilang-buhay si Ricky sa edad na 75—pero wala sa itsura n’ya na ganoon na ang edad n’ya. Ni hindi nga siya mukhang 50 years old.

Ayon sa Instagram post kahapon ng ABS-CBN PR na si Aaron Domingo, naka-text pa n’ya si Ricky noong Lunes. Hindi na nakaka-text ang nasa malubha ng kondisyon.

Ayon naman sa katoto namin sa panulat na si Jojo Gabinete ng PEP entertainment website, mahigpit ang pakiusap ng kapatid ni Ricky na si Susan Lee na igalang na muna ang pagluluksa ng pamilya kaya wala muna silang ipapahayag tungkol sa biglang pagyao ni Ricky.

Si Ricky ang entertainment editor ng Philippine Star mula 1986 hanggang sa kanyang pagyao. Isinilang siya sa Las Navas, Northern Samar noong April 21, 1946.

Nagtapos siya ng AB English sa University of the East at nagtrabaho siya bilang editorial assistant sa Variety magazine mula 1969 hanggang 1972. Ang Variety magazine ang Sunday supplement ng old Manila Times.

Ang pagbisita ni Pope Paul VI sa Pilipinas noong November 1970 ang unang assignment ni Ricky bilang reporter ng Manila Times.

Kabilang si Ricky sa iilang entertainment journalist na nagkaroon ng libro ng showbiz reports. Inilabas noong 1995  ang libro n’yang Star Studded.

Noong 2001 ay ini-release niya ang Conversations with Ricky Lo, na compilation naman ng kanyang exclusive interviews.

Naging bahagi rin siya ng mga showbiz talk show. Naging co-host siya ng The Buzz ng ABS-CBN noong magsimula ito noong 1999.

Nagsama sila ni Melanie Marquez sa Showbiz Stripped ng QTV 11 noong 2005 na pinalitan ng The Ricky Lo Exclusives noong 2007.

Noong 2008, naging regular co-host si Ricky ng Startalk hanggang magpaalam ito sa telebisyon, September 12, 2015.

Tumanggap si Ricky ng maraming pagkilala at parangal dahil sa kanyang mahusay na pagsusulat at paghahatid ng mga showbiz news at scoop stories sa kanyang propesyon na tumagal ng 52 taon.

Halos walang artista, bata man o matanda, ang hindi nakakikilala kay Ricky. Idolo rin siya ng lahat ng Pinoy showbiz writers.

Rest in peace, idol!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

About Danny Vibas

Check Also

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Rabin Angeles

Rabin Angeles madalas naglalakad patungong Viva

RATED Rni Rommel Gonzales ANG buhay ay parang gulong na umiikot. Kung dati ay nasa …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *