Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darryl Yap

Direk Darryl Yap bina-bash, dream project matuloy pa kaya?

PLANO ni Direk Darryl
Yap
, na after niyang
gawin ang Revirginized, na bida si Sharon Cuneta ay gumawa ulit ng pelikula, na ang titulo ay Bakit Sa Pilipinas Lang May Loveteam? na siya rin ang susulat.

Dream project niya ito. At dito ay ita-tacle niya ang nalalaman niyang kunwa-kunwariang pagmamahalan o relasyon ng isang loveteam.

Ayon kasi sa kanya, hindi naman  lahat ng loveteam ay nagkakagustuhan, nagpi-pretend lang ang mga ito for the sake of their fans, para tangkilikin ang loveteam nila.

Hindi pa man ito nauumpisahan ng nasabing director ay naba-bash na siya ng mga fan ng mga solid loveteam.’Yung mga ito na alam nila na hindi peke ang pagmamahalang ipinakikita ng hinahangaan nilang loveteam.

Sa aming opinyon, naniniwala ako na ang karamihan sa loveteam ay nagkakagustuhan talaga, na nauuwi sa relasyon. Nadi-develop kasi sila  dahil laging nagkakasama sa mga proyekto ‘di ba?

Tulad ng loveteam noon nina Maricel Soriano-William Martinez, Sharon Cuneta-Gabby Concepcion, Nora Aunor-Tirso Cruz III, at Vilma Santos-Edgar Mortiz, ‘di ba’t nagka-inlove-an ang mga ito?

Hindi peke ang ipinakita nilang pagmamahalan.

In fact, ikinasal pa nga sina Sharon at Gabby ‘di ba? Pero ‘yun nga lang, naghiwalay din sila.

Pero mayroon din talagang loveteam na peke ang ipinakikitang sweetness at kunwari ay nagkakagustuhan. Gaya sa kaso noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Sikat na sikat ang loveteam nila noon. At pinalalabas nila na may relasyon sila kahit wala.

Kailangang gawin nila ‘yun para sa mga fan na sumusuporta sa kanila. Pero ang totoong karelasyon ni Echo ay ang dating aktes at TV host na si Cindy Kurleto.

Pinagsabihan lang sila na maghiwalay dahil sayang ang loveteam nina Echo at Kristine. Hanggang sa totoong na-inlove na si Echo kay Kristine at nagkaroon na sila ng relasyon na nauwi rin naman sa wala.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …